Chap40: 3p nina Pusa at Ostrich

20K 294 46
                                    

Dedicated to mine0510. Para sayo ang chap na ito Zefioze. Thanks sa pagfan! ^^

**Pics ng kambal nilagay ko ngayon. Cuteness overload! ahahahahaha    XD

ENJOY READEEEEEEEEEEEEEEEEENG! (*u*)/

_________o0o_________




Chapter 40



Nasa loob ng kotse ni Lester ang magkakaibigan at sinusundan nila ang kotse na sakay si Elvina…


“Buti na lang mabagal magdrive si Manong Erik. Wag mo masyadong dikitan.” –gerald


“Mabilis lang akong mag-drive dude.” –lester


Nanatiling tahimik sina Rence at Renald hanggang sa makarating sila sa mall. Tumigil ang kotseng sinasakyan nila malayo sa kotse na sakay si Elvina. Sapat lamang para masubaybayan ang dalaga.


Nakita nilang lumabasng kotse si Elvina. Ilang segundo lang ay may lumapit sa dalaga na isang lalaki.


“Hanep. Si Aldrich nga.” –gerald


Pinagmasdan nila ang dalawa sa di kalayuan.


“Bye manong! Ingat po kayo!” –elvina


Nakita na nilang pumasok sa mall sina Aldrich at Elvina kaya lumabas na sila ng kotse at sumunod na.


“Tsk! Walang tulakan.” Reklamo ni Rence.


“Ang bagal mong maglakad dude. Baka mawala sila’t di na natin masundan.” –lester


“Aish! Dala ba nila mga notebook?” –rence


“Tara na boy. Iwanan nalang natin si kapitan.” –gerald


Tumigil na sa pagtutulak si Lester tsaka naglakad kasabay si Gerald. Nilampasan naman ni Renald si Rence na kanina ay mabagal din naglalakad sa likod nila.


“Aish!” tanging sabi ni Rence dahil iniwanan nga sya ng mga kaibigan. May kinakapa sya sa damit nya pero hindi nya mahanap.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon