Hello all! (^o^)/
Ako'y nagbalik matapos ang matagal kong pagi-emote. Nasa MB dahilan kung bakit.. hehe. Pasensya sa paghihintay ng matagal. ^^
Dedicated to KimberlyLatorza. Heto yung chap na para sayo girl! Enjoy kayo sa pagbasa! (*u*)/
**Tatlong pic pinagsama-sama ko ngayon. Makikita nyo expression ni Rence sa unang pic ng papalapit si Aldrich. Sa pangalawang pic nyo naman makikita sina Rence at Elvina na magkasama. Sa last na pic nyo makikita expression ni Aldrich ng magsayaw na nga yung dalawa. Kakanta si Aldrich sa chap na ito. I-click lang yung External link para sa song. (Gawa ko yung vid! hihihi~) Lastly, i-play yung vid para sa background music ng sinasayaw nina Rence at Elvina.
_________o0o_________
Chapter 32
[Now Playing: Right here waiting (Saxophone version)]
Walang gumagalaw kina Rence at Elvina. Magkaharap lang silang nakatayo habang ang iba ay patuloy lang sa pagsayaw.Nakayuko ang dalaga habang seryoso namang nakatitig ang binata sa kanya. Waring nahihiya sya ng magsalita.
"Di ba sabi ko na nga na hindi ako marunong sumayaw?" mahinang sabi ni Elvina. Lumapit si Rence sa kanya.
"Madalang lang ito diba?" napaangat ang ulo ni Elvina kaya magkaharap ang mga mukha nila ngayon. "Ikaw na nga may sabi, lubos-lubosin na natin." dagdag pa ni Rence.
"Anong gagawin ko?"
"Let me guide you." sabi ni Rence sabay hawak sa kamay ni Elvina.
Medyo nagtagal silang nakatayo lang at nagtititigan habang magkahawak ng kamay.
Parang tumigil ang oras...
Na para bang sa kanila lang ang buong lugar. Hindi na nila pansin ang mga tao sa paligid. Umiikot na sila sa sarili nilang mundo. Gulat... Sabik... Kaba... Yan ang mababasa mo sa mukha ni Elvina idagdag pa ang nanununaw na titig ni Rence sa kanya.