Dedicated to MinnylleCuadro. Girl heto na yung chap na para sayo. Thanks sa suppport ne? ^^
Uy friendships, may ishe-share ako... Nasama yung story sa hot list ng dalawang araw. Nasa front page sya at sino nga bang meh gawa nun? Edi kayo! (^o^)/ hahaha~ Grabe, ang lapad ng ngiti ko nun ng makita ko yun. Madaming 'Thank you!' sa lahat ng masugid na nagbabasa ng MP3p. At dahil jan ipapakilala ko na si Fiona. Ayan sya sa gilid...
ENJOY READEEEEEEEEEEEEEEEEEEENG!!! (*u*)/
_________o0o_________
Chapter 42
Nasa kusina ngayon sina Elvina at Rence at hinahanda na nila ang hapunan…
Sinasabi ng dalaga kung ano ang gagawin ng binata.
“Bakit ang daming kamatis?” reklamo ni Rence habang nanghihiwa.
“Sinigang sa kamatis nga diba? Andami mong sinasabi e patapos ka na. Tapus ito naman.” Sabi ni Elvina sabay abot ng sibuyas. “Binabalatan pa yan ha?” paalala nya.
Seryosong nagtuturo si Elvina habang pasimpleng sumusulyap si Rence sa dalaga habang nakikinig sa kanya. Sinimulan na nga ng binata ang paghiwa sa sibuyas kaya napaluha ito.
“Aish! Bakit ganito?” pinupunas ni Rence ang luha habang medyo sinisipon na ikinatuwa ni Elvina.
“Ooh? Sino nagpaiyak sa iyo?” tinignan ng masama ng binata ang dalaga. “Joke lang.” sabi ni Elvina (^.^’)
Nagpatuloy lang sila sa pagluluto. Walang tigil sa pangungulit si Elvina pero hindi man natawa si Rence. Ni hindi man sya ngumiti.
(^.^) –elvina
(-_-)+ –rence
Pinapalambot na ang karne kaya nakaupo na sila at naghihintay.