Chap50: Away 3p

17.4K 225 7
                                    

Promote lang po:

Meron akong dalawang OneShot Story na ginawa. Ang mga title ay, 'The tale of Glimmer' at 'Gitara Story'. Paki-basa naman. Thank yoh! (^o^)/

Heto na UD. Enjoy reading! ^^

_________o0o_________

 

Chapter 50

Nakatayo ang magkakaibigan malapit sa pintuan at nakatingin kay Zia na nakakapit paring kay Elvina...

"Huy!" sabi ni Elvina kaya parang natauhan si Zia. "Ayos ka lang?" alalang tanong ng dalaga.

"A-ano..." napayuko si Zia. "...wag ka ng sumama... ka-kasi... kasi... nag-aalala ako. Ma-mas ligtas ka dito kaya wag ka ng umalis."

"Ayos lang naman kasi nandyan sina Renald, Gerald at Lester. Pati si Rence. Walang mangyayari sakin no?" (^.^) "Kasi naman, gusto kong malaman kung sino yung galit sakin at kung bakit sya galit."

"Si-sige. Sasama na rin ako." Bumitaw si Zia.

Nagsimula na silang naglakad ngunit hinawakan ni Jillian sa kamay si Zia kaya naiwan sila sa loob ng bahay.

"Zia." malambing na tawag ng kanyang kapatid. "Anong bang nangyari? Hindi ka naman magkakaganyan kung wala e." tanong ni Jillian.

"Wa-wala ito. Ta-tara na. Baka maiwan pa ta-tayo." at sumunod na ngang lumabas ng bahay si Zia. Kita kay Jillian na hindi sya kumbinsido.

"Bakit di nya sinasabi sakin kung anong problema? Nag-aalala nako." sabi ng dalaga sa sarili bago sumunod.

---

Nakarating na sila sa lugar na sinabi ni Lester. Isa itong gig place...

Ang hindi nila inaasahan ay ang makita nilang nag-aaway sina Lester at Paloma sa labas ng nasabing lugar.

"Hon! Wait!" sabi ni Lester sabay hila sa kamay ng dalaga para hindi na sya makalayo. "Why are you here?" tanong pa ng binata.

"Don't touch me! Nandidiri ako sayo! Bitawan mo ako!" hinihila ni Paloma ang kanyang kamay ngunit mahigpit ang hawak sa kanya ng binata.

"No, I won't. Answer my question. Why are you here?"

"You don't care! Wait. Hindi ba dapat ako nagtatanong nyan? Why are you here and kissing that ugly b*tch?!" sigaw ng dalaga sabay turo kay Venus na pangiti-ngiti pa. Nasa gilid sya ng pinto katabi si Alex na nagtataka sa mga nangyayari. "Langya mo Lester! I should have not trusted you!"

"Are you jealous?"

"Jealous or not, wala kang pakialam! Ang hindi ko matanggap ay ang paglalaro mo sakin! Sa nararamdaman ko! Langyang babaero ka!" Hinampas pa ng dalaga si Lester bago nagpatuloy.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon