Extra 3p: Kinald

8.3K 162 29
                                    

Ahem, title palang alam na. Hehe. Kinald kasi ang may pinakamaraming request. (Via watty comments and messages pati sa MP3p fb page kasama sa bilangan) Actually, merong Pamster requests pa rin kahit napost na e.

 

 

Don't worry guys, lahat naman may extra 3p. Ang hindi ko kakayanin sa ngayon ay yung request na gumawa ng seperate book sa favorite nyong couple. Naku pu, baka malukaluka nako nun e may on-going story pa akong pinagkakaabalahan.  XD

 

 

Picture ni Kaye at Renald sa gilid.. Ayun oh! (*u*)

----o0o----

"Wag kang maglalakwatsa."

"Oo nga."  (=_=)

"Kumain ka sa oras."

"Psh. Oo."

"Wag ka ring magpapapasok ng di kakilala."

"Kuya! Ano ba?! Di nako bata!"

Sandaling tinignan ni Gelo ang kapatid bago lumabas ng bahay. Gabi na at mag-isa nalang si Kaye sa bahay na ngayon ay nakahiga na sa sofa. Ilang saglit lang ay may kumatok.

"Walang tao." sagot ni Kaye sa kumakatok pero tuloy lang ito kaya tumayo sya tapat nito.

"Sino ka ba?"

"Ako."

"Kuya?!"

Agad na binuksan ng dalaga ang pintuan ng makilala ang boses ng kapatid sa kabila nito. Tinignan nya ng masama ang kanyang kuya.

"Sinusubukan ko lang."  (^_^)

"Ewan ko sayo!"

Malakas na isinara ni Kaye ang pinto at padabog na naglakad pabalik ng sofa.

"Kung di ko lang sya kuya, matagal na syang patay!" bulong nya sa kanyang sarili bago pabagsak na umupo.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon