Chap52: Unexpected 3p

17.6K 241 28
                                    


Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Grabe may readers pa pala ito! Ang saya ko! (TuT) Tapus, yung mga nag-fan dumami pa. Thank you talaga sa support ne?
Salamat din sa mga nag-comment. Natutuwa ako! Actually, nakaka-addict na yung mga comment nyo. Comment pa ulit kayo ulit ne? Nyahahahaha... XD

ENJOY SA PAGBASA! (*u*)/


_________o0o_________

Chapter 52


Sa loob ng kotse...


Nag-uusap sina Rence at Elvina habang nagbabyahe sila papasok ng paaralan.


"Bakit ba ganun sina lola? Hindi mo pa man sinasabi kung ano talaga nangyari tapus ganun nalang sila umakta? Sabi ko na mapapagalitan ka e. Pero hindi parang ang OA? Hmmm, hindi kaya may mga sira na sila? Ay hindi, hindi! Grabe, hindi ko na sila ginalang. Yieeeeeh, diko kasi sila gets e!" (>.<)


Naguguluhan na ang dalaga ngunit nakangisi lang si Rence.


"Isa ka pa. Napagalitan ka na natutuwa ka pa. Ano nangyayari sayo? O baka naman ako pala itong may problema kaya wala akong naiintindihan sa mga nangyayari? Hala!"


Biglang nanahimik si Elvina. Bakas sa kanya ang pagkalito. Muling sumagi sa isip nya ang mga nangyari sa mansyon.


(FLASHBACK...)


Matapos sabihin ni Rence na mayroon nangyari sa kanila si Elvina ay biglang nawalan ng malay si lola Marie. Lumapit man si Jessa sa kanila ay wala syang naitulong sa lola dahil naunahan sya ng pagkataranta. Si Elvina naman ay walang pakundangan sa pagtawag habang niyuyugyog ang matanda.


"Waaaaaaaaaah! Lola! Lola! Gising! Woi lola! Anu ba! Ang OA kahit kelan oh! Lolaaaaaaa!" (T3T)


Ang seniora naman ay halos maaatake ang dating habang sinesermunan si Rence. Pinapalo pa nya ang apo sa braso gamit ang pamaypay na hawak.


"Laurence apo naman!!! Bakit mo ginawa iyon iho!!! Josmiyo!!! Ganyan na ba kayong mga kabataan ngayon?!"


Tahimik lang ang binata na tinatanggap ang mga palo ng kanyang lola pero sa totoo lang ay napapangiti sya ng patago.


(...END OF FLASHBACK)


Nakarating na ng paaralan ang kotse na sinasakyan ng dalawa. Agad na bumaba si Elvina ng sasakyan na sinundan naman ni Rence. Dire-diretso lang sa paglalakad ang dalaga.


"Elvina. Wait."


"Oh?" ( '.' ) tumigil sa paglakad si Elvina at humarap kay Rence.


"Bakit ang bilis mo maglakad?"


"Syempre, baka ma-late tayo?"


"It's still early."


"Uhm, ayaw mo nun maaga tayo sa room? Bakit? Meron ka bang gustong puntahan? Absent na nga tayo kahapon eh. Dapat mag-review baka may quiz."


Tumalikod muli ang dalaga at nagpatuloy sa paglakad. Hinawakan sya sa kamay ni Rence upang muling maiharap. Agad naman binawi ng dalaga ang kanyang kamay.


"Uy, napapadalas na paghawak mo ah?"


"Umiiwas ka ba?"


"Hmm...medyo lang."


"Kala ko balik na sa normal ang lahat?"


"Sabi ko nga. Pero di ibig sabihin nun balik na sa dati ang lahat. Sa bahay ka na lang mangulit wag dito. Ayaw ko na kasing maulit ang nangyari e. Mahirap na baka kung sino na naman maperwisyo ko. Uy, di ako galit ha? Basta ganun. Sige, kita sa room!" (^.^)/


Maglalakad na sana si Elvina pero muli syang hinawakan ni Rence sa kamay sabay hila at...


(o///o) -elvina


...yakap.


Hawak ng binata ang kaliwang kamay ni Elvina. Ang isang kamay nya ay nakayakap sa dalaga. Gulat si Elvina. Hindi nya magawang tumingin kay Rence.


"No. Ayokong iwasan mo ako kahit dito lang sa school" sabi ni Rence.


"Ayoko noon na mapalapit ka sakin dahil ayaw kong maramdamang muli ang sakit ng iniiwan. Pero mas masakit pa lang iiwasan mo ako ng di man kita ipaglalaban." dagdag pa ng binata.


(>///<) -elvina


Binitawan ni Rence ang isang kamay ng dalaga para mayakap sya ng mahigpit.


"Elvina. Ma-"


"Ally!" tawag ni Jillian kaya hindi naituloy ng binata ang kanyang sinasabi.


Tinulak ni Elvina si Rence sa pagkagulat. Si Jillian naman ay kumapit sa braso ni Elvina at tinignan ng masama ang pinsan.


"Ano na naman ginagawa mo kay Ally ko? Kagabi, hinila mo sya para masolo tapos tinawagan mo pa body guards ni papa kaya di ako nakasama." -jillian


Napansin ng dalaga na hindi sya pinapansin ni Rence. Nakatingin ito kay Elvina na umiiwas tingin sa binata. Kumunot noo ni Jillian.


"Kayo na ba?"


Napatingin ang dalawa sa kanya.


"Hindi ah! Ano ka ba Jilly? Malabo yun. Tara na nga." hinila ni Elvina ang dalaga.


Naiwan si Rence na malungkot na nakatingin sa kanila.


"Ayaw mo ba sa akin Elvina?" tanong ng binata. "Hanggang magkaibigan nalang ba tayo?"


---


Si Elvina naman ay dinala sa medyong tagong parte ng paaralan si Jillian...


"Wrong-timing ka naman Jilly e. Di tuloy natapus sasabihin nya. Ano kaya yun?" (*.*)


"Kala ko naman Ally pabor pa yung ginawa ko. Ang lakas mong tumanggi kanina tapos ngayon parang sinisisi mo ako. Nakakaselos na. Bakit parang lalo kayong napapalapit araw-araw? Sana lalaki na lang rin ako."


 "Hala wag ganun! Kasi ano... ayun. Yieee basta ganun yun. Syempre kailangan mong sabihing hindi kung hindi naman kayo diba? Tsaka bakit at pano naman magkakagusto sakin si Rence? Tsaka kung sakali, wag mong hilingin na sana lalaki ka. Ang ewan mo naman e."


 "Ikaw ba? Gusto mo si Rence?"


Hindi inaasahan ni Elvina ang tanong kaya wala syang masabi. Sakto naman ang pagtunog ng bell.


"Uy! Bell na Jilly. Sige ba-bye!" sabi ni Elvina sabay takbo. (>u<)/


"Ang daya." reklamo ni Jillian pero tumakbo na rin sya sa kabilang direksyon.


--


Tahimik ang klase hanggang sa dumating ang oras ng merienda. Nagliligpit na ng mga gamit ang mga estudyante ng marinig nila ang sigaw ni Paloma.


"Don't touch me!"


Dumating pala si Lester at hinila ang dalaga palabas ng silid. Nag-umpisa ang bulungan ng makaalis sila.


"Naku, may bagong bulong-bulungan na naman nyan. Ano ba kasing meron sa kanila? Nagulat nalang rin ako sa nangyari kagabi."  -elvina


"Ano ba nangyari kagabi?" -aldrich


"Ay ang dami nangyari ang kaso tinatamad akong magkwento. Ayan, tanungin mo si Zia." -elvina


"Ha? Ba-bakit ako?" -zia


"Oo nga no? Baka anong oras na kayo matapos sa kwento. Uhm, si Renald nalang!" -elvina


 Mula doon ay bumangon si Renald at nagsabing, "Ayaw."


Inaantok pa ang boses nya. Muli syang dumukmo sa mesa. Tumingin naman si Elvina kay Rence.


"Ano?" masungit nitong tanong. (  -_-)+


"Wala." (^.^")sabi naman ng dalaga bago muling humarap kay Aldrich.


"Ano ba yan? Uhm, tanungin mo nalang si Gerald. Ayun, sya nalang. Basta ang importante, nahuli na yung may gawa ng kung anu-ano sakin. Sana lang wala ng sumunod para wala ng gulo."


"Ayos ka na ba?"


Tumango si Elvina bago sinagot si Aldrich.


"Tuyo na yung sugat ko sa tuhod. Buti di nagkapeklat no? Pati yung benda sa kamay ko wala narin oh."


"Nakilala nyo yung may kasalanan?"


"Oo. Kagabi nangyari. Nagulat nga ako kasi sabi ni Venus sakin nun, gusto nya makipagkaibigan tapos may balak pala sya."


"Venus?!"


Nag-iba ekspresyon ni Aldrich. Nagulat ang binata sa narinig ngunit ilang saglit lang ay gumuhit sa mukha nya ang galit. Nagtataka sina Elvina at Rence. Si Zia naman ay nanlaki ang mata at parang kinakabahan. Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalaga sa mga kasama.


Doon ay bumangon muli si Renald tsaka kinuha ang cellphone at nag-text.


"Sigurado kang Venus pangalan?" muling tanong ni Aldrich.


"O-oo. Bakit kilala mo sya?"


Hindi na sinagot ng binata ang tanong ni Elvina. Mabili itong umalis ng di na nagpaalam.


"Ano na naman kayang meron? Nakaka-curious na ah? Ay!"


Nagulat ang mga kasama ni Elvina kaya sabay-sabay silang tumingin sa kanya.


"Tara na! Naku, baka matapos ang break ng di tayo nakakakain." (^.^)v


_________o0o_________

NOTE: Ayan, Bigyan ulit ng eksena si Aldrich. Haha. Nga pala, nilabas ko na yung intro ng next story na gagawin ko after ng MP3p. "LOVE WAYS" ang title nya. Sana suportahin din sya. hehe. Ay! Kina Lester ulit yung spotlight ng next chap. Abangan! ^^
Tsaka isa pa pala, on going na ulit yung 'Precious'... ayun. hehe
VOTE. RECOMMEND. BE A FAN.
SALAMATS! (*u*)/

**Next==> "Apology 3p"

-->BelomaCassidy




MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon