Dedicated to RyaMaeTaj. Hindi nyo sya napapansin no? Pwes ako oo. hahaha. Salamat girl sa mga votes mo simula unang chap hanggang sa previous chap. Kita ko mga yun. Consistent! hehe... ^^
**Pic ni Elvina nilagay ko ngayon. Yan ang nasa isip nya sa mangyayari mamaya. hihihi~
ENJOY SA PAGBASAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! (*u*)/
_________o0o_________
Chapter25
"Te-teka. Hindi ito yung daan pauwi di ba?" Hindi mapakali si Elvina sa loob ng kotse. "Oy, saan ba tayo pupunta?" tanong pa nya.
"Bakit ka ba nag-aalala?" tanong naman ni Rence.
"Hindi ba to kidnap? Baka impostor lang si manong Erik." (*.* )
+(-_-) rence
"Ay? Hindi ba ganon?" (^.^' ) Kita ni Elvina na nag-iba dating ng mukha ni Rence kaya nanahimik na lang sya. Walang nagsasalita sa loob ng kotse.
"Tsk! May ipapakilala lang ako sayo." basag ni Rence sa katahimikan. Parang nabuhayan ulit ang dalaga. Humarap sya sa binata at kinausap ito.
"Talaga? Sino ba yun? Sikat ba? Uhhm, artista?"(*u* )
"Baliw."
"O baka naman politician?"pangungulit nya.
"Marunong kang maghintay."
"Ang tagal naman kasi eh. Nangangawit na ako sa pagkakaupo. Pudpod na ata yung puw-" Natapatingin si Rence sa kanya dahil natigil sya sa sinasabi. "Pu...fu...foam. Oo. Pudpod na yung foam ng sasakyan." (^.^' ) Tumingin na lang sa labas ng kotse si Rence. "Ah Rence, may tanong ako."
"What?"
"Sinu-sino kasama dun sa banda?" ('.' )
"Lester, Renald, Gerald and... Aldrich."
"Kasama ka rin dati no?"
"Yeah."
"Bat di ka sumali ulit? Tutal mas maayos na ata kayo ngayon ni Aldrich?"
"Basketball team is mine, the band is his and that's it."
"Ah! Edi kasama din sya sa basketball dati? Ang galing naman! Parang gusto ko syang makitang magbasketball." (^.^ )
"Not in my team."
"Eh? Parang gusto ko ring makita ka sa banda. Edi di rin pwede sa banda nya?" Doon ay napalingon si Rence kaya magkaharap sila ngayon. "Di rin pwede?"('.' )pangungulit ni Elvina.
"Nandito na tayo. Isuot mo ito. Malamig sa loob." pag-iiba ni Rence sabay hagis sa mukha ni Elvina ng isang damit panlamig.
"Bat hinagis mo sa mukha ko? Pwede mo namang ibigay ng maayos ah?" reklamo ng dalaga pero maya lang ay... "Waaaaw! Ang ganda naman neto? Pero bat gray? Mas maganda kung color green ito. Akin nalang?" (*u* ) tanong nya ng makita ang damit.
"Yeah." sbi ni Rence tsaka na lumabas ng kotse at sumunod naman si Elvina.
"Mental hospital?" tanong ng dalagana may pagkabiglang makita ang lugar.
"Yeah. I want you to meet my dad."
"Buti naman. Kala ko ipapasok mo ako." bulong ni Elvina.
"Huh?"
"Ah wala. Tara pasok na tayo." (^.^' )
---
Nakarating na sila sa tapat ng silid ng ama ni Rence. Akmang bubuksan ng binata ang pinto ng biglang humawak sa dulo ng likuran na damit ni Rencesi Elvina.