Bwahahah, enjoy ako sa mga comment! Ang kukulets! Haha. Excited nako sa reaction nyo para sa chap nato. wehehe~
On going parin yung Precious, kahit walang masyadong nagbabasa. Ayun, promote lang. Toinks! (>u<)
ENJOY SA PAGBASA! (^0^)/
_________o0o_________
Chapter 53
Nagme-merienda na ang ibang mag-aaral ngunit nanatili si Gerald sa kanilang silid na binabantayan si Venus. Sya ang ka-text ni Renald na ngayon ay kumakain kasabay ng kanilang mga kaibigan...
"Pupunta dito si Aldrich." sabi nya sabay bulsa ng cellphone.
Napatayo si Venus at akmang lalabas pero humarang ang binata.
"Let me go!" sigaw ng dalaga. Tinulak lang sya ng binata kaya sa sahig ang bagsak nya. "Ouch! Wala ka bang galang sa babae?!"
"Tss. Di ka naman kagalang-galang."
"What?!"
"Ingay mo! Nakakairita! Ipasok ko kaya sapatos ko sa bunganga mo?"
Tumayo si Venus tsaka pinagpag ang palda. Padabog itong umupo sa silya.
"Ano pa bang kailangan mo? Umamin nako diba? O baka gusto mong itranslate ko pa sa ibang lengwahe ng maintindi-"
"Puch@!" Nagulat si Venus sa pagsigaw ni Gerald. Medyo natakot pa dahil sa titig ng binata. "Napipikon nako! Susuntukin talaga kita pag dika nanahimik!"
Natinag ang dalaga kaya hindi na sya umimik hanggang sa dumating si Aldrich. Muling napatayo si Venus.
"Ku-kuya Aldrich."
Lumakad ang binata hanggang sa makalapit sa dalaga. Sinampal nya ito.
"Ano na naman pinanggagawa nyo ni Fiona ha?!" galit si Aldrich. Hawak na ni Venus ang pisngi na nasampal. "Kaya ka ba nag-transfer dito para kunsintilhin ang mga kalokohan nya?"