Wow! Galeng naman! Mas marami ang bilang ng votes at comments sa previous Chap kumpara sa mga dati pa. Ang ganda ng feedback nung lumabas ang story nina Lester at Paloma pero iba parin pala kapag sina Rence at Elvina ang bumida! Ahahaha~ XD
May nagturo sakin na maglagay daw ako ng quota para sa Votes ng mga Chap para dumami daw pero di ko ginagawa. Paano ko kasi malalaman kung nagandahan ka sa chap o hindi diba diba diba? Hehe. Kaya nga ang saya ko na naman e dahil sa feedback sa previous chap. Thanks sa inyong lahat ne? (^_^) May free time ako ngayon kaya heto na UD...
Enjoy kayo sa pagbasaaaaaaaaaaaa! (*u*)/
______o0o______
Chapter 57
(0.0)?!
Bakas kay Elvina ang pagkagulat matapos syang hilain papunta sa kama. Hawak parin ni Rence ang kanyang kamay habang nakadapa sya sa ibabaw nito.
"K-kanina ka pa gising?"
"Yeah."
"Narinig mo lahat?"
"Yeah."
"As in, lahat? Simula ng pumasok ako?"
Ngumisi ang binata.
"Eeeeh! Nakakainis ka!" (>///<)
Pinalo ng dalaga ang binata sa dibdib nito. Akmang tatayo na sya subalit muli syang hinila ni Rence.
Sa isang iglap ay si Elvina na ang nakahiga habang nasa ibabaw nya ang binata at hawak ang kanyang mga kamay. Magkalayo man ang kanilang mga katawan ay hindi maitago sa dalaga ang pagkabalisa.
"Iiwasan mo na naman ako?"
"Adik! Hindi ganon! Ang pangit kaya ng pwesto natin kanina kaya tatayo sana ako kaso hinatak mo ako pabalik. Tignan mo tuloy, mas pangit pwesto natin ngayon. Alis ka saglit."
"No."