Dedicated to wormybook. Salamat sa pagfan! ^^
Pasensya nga pala sa mga naghintay ng matagal. Ayun, naging busy ako. Hindi ko nga nabigyang ng time yung sa multi-media. Ito ata yung unang chap na walang pic. hehe. Ok, heto na ang UD!
Enjoy reading! (^u^)/
_________o0o_________
Chapter 47
Labasan na ng mga estudyante...
Sinalubong nina Gerald, Renald at Lester si Alex. Pinauwi na nila si Rence kaya hindi na nila kasama ang binata. Idinala ng tatlo ang dalaga sa isang gilid ng isa sa mga silid ng paaralan.
"Let me guess. This is about that Elvina right?" mataray na sabi ni Alex pero tinitignan lang sya ng tatlo.
"Ano bang meron sa kanya ha? Masyado na syang bumibida sa campus. Bakit ba sa kanya nalang umiikot ang mga bagay-bagay? Sige nga? Sabihin nyo sakin?" -alex
"Dahil hindi mo sya katulad." -gerald
"Bakit? Ano bang meron sa babaeng yon na wala sakin?" -alex
"Tsk! Ang dami pang tanong. Sinong nag-utos sayong saktan si Elvina?" -gerald
"At bakit ko naman sasabihin? Patawa rin pala kayo." -alex
"Alam mo nga. Good." -lester
"Ha? O-oo! E ano ngayon? Hinding-hindi ko sasabihin! Salamat narin sa Elvinang yun dahil napansin nyo rin ako. Di hamak na mas maganda ako sa kanya. Mayaman din ako. Mas sikat din ako dati pero nawala lang dahil ang epal nya! Nawala ang mga kaibigan ko." parang biglang lumungkot si Alex. Medyo naiiyak na din sya. "Hindi na rin ako napapansin ng mga instructors. At higit sa lahat, iniwan ako ng boyfriend ko!" Tumulo na ang luha mula sa dalaga. "Hinding-hindi ako papayag na ako lang ang nahihirapan dito!" matigas na sabi ni Alex.
"Palamat ang babaeng ito at nakaalis na si Rence." -gerald (-_-)+
Si Lester lang ang natuwa sa kanilang lahat. Lumapit sya sa dalaga.
"Ang tapang mo pala." sabi ni Lester sabay ngisi. "But it's not enough." dagdag pa nya. Umuurong ang dalaga pero lumalapit parin ang binata.
"A-anong pinagsasabi mo?" litong tanong ni Alex.
"Hoy Mr Chickboy, maya ka na makipag-flirt." sabi ni Gerald. (=_=)
Lalapit din sana sya pero hindi natuloy. Hinawakan sya sa balikat ni Renald kaya napatingin sya sa kakambal. Nakita nyang umiling ito kaya hinayaan nalang ng binata si Lester.
Patuloy parin sa pag-urong si Alex dahil lumalapit parin sa kanya si Lester na may nakakalokong ngiti. Wala ng uurungan ang dalaga dahil nasa likod na nya ang pader. Nilagay naman ng binata ang kamay sa pader malapit sa ulo ni Alex kaya parang nakulong ito. Inilapit pa ni Lester ng bahagya ang kanyang sarili.