Chap20: Joking 3p

22.3K 342 36
                                    

Dedicated to Jhamiijha. Ui lil sweety sis. Para sayo itong chap nato.  (^.~ )

Nais ko nga palang magpasalamat sa mga contaminated na ng E-Virus. Tapos nagvovote pa. May nagmemessage sa mga chap, meron sa MB ko at meron din sa Inbox. Isa pa pala yung mga tahimik lang pero nagvovote sila. Oh ha? Meron ding naglagay ng MP3p sa RL nila at sinusubaybayan ang update para mabasa. Tinamaan ka? Kung ganon, SALAMAT SAYO! (^o^)/

**Pic ni Elvina ang nilagay ko ngayon. Bale yan ang iniisip ng ating probinsyana sa tuwing malapit si Rence.. hehehe

_________o0o_________

Chapter 20

Nanatili sa loob ng silid si Elvina matapos lumabas ng kanyang lola. Nakaramdam na sya ng pagkainip kaya lumabas na sya ng bahay...

"San naman kaya ako pupunta?" tanong nya sa sarili habang naglalakad.

"Ah!" sabi sabay punta sa entertainment room. Nadatnan nyang nanonood ng TV si Rence. Lumingon ang binata sa kanya kaya agad syang umalis. Naglakad lang sya ng naglakad hanggang sa makarating sya sa kusina.Nakita nya don si Jessa.

"Ate, ibuburo mo yan?" tanong nya sabay turo ng mustasa.

"Oo. Naguustuhan kasi ng seniora yung una mong ginawa kaya heto nagpapaburo ulit para may maigisa."

"Gusto mo ako na lang?" ( '.' )

"Hindi na. Ako na dito salamat."

"Uhhm, sige." sabi ni Elvina sabay upo at kuha ng isang magazine na malapit sa kanya. "Kelan pa to ate Jessa?"

"Kadarating lang nian. Bago pa." sagot naman ni Jessa. Napansin nya ang pagdating ni Rence sa kusina. "Oh seniorito. May kailangan ka?" tanong nya sa binata. Si Elvina naman ay parang walang narinig. Tahimik lang syang nagbasa ng magazine. Hindi nya man pinansin ang binata.

"None." Sagot ng binata tsaka lumakad papunta sa may ref. Tinignan nya si Elvina at patuloy lang ito sa pagbasa.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon