Oh alam na.. haha. Actually, parehas lang naman ng number of request ang Gerllian at Renvina pero inuna ko na ito kasi mas madali kesa yung story na pang-long distance relationship. hehe. XD
Para sa Book2 nga pala.. nabanggit ko sa '3p kong Note' na Balak palang sya diba? Baka kasi maghintay kayo ng matagal e ayaw ko naman ng ganun. Nakakahiya naman yun. Move on na muna tayo kasi sa Brat Series ako naka-focus ngayon eh. Tsaka masyadong corrupted ang utak ko sa mga oras na ito at baka madamay pa ang MP3p two. Ahaha. Ayun. Hihi. Thanks!
Pic nga pala nina Gerald at Jillian sa gilid. War na naman sila jan kaya ganyan yan... ENJOY READING!!! *u*
----o0o----
"Teka, teka Ally!"
*toot toot toot*
Bumusangot si Jillian at ibinaba ang cellphone na kanina ay nakatapat sa kanyang tenga.
"Ano daw?"
Lumapit si Gerald tsaka umakbay sa kasintahan.
"Wrong timing pala ang pagtawag ko eh. May photoshoot daw sila." (*n*)
"Tawag ka nalang ulit maya."
"Pero gusto ko syang makausap ngayon na! Miss na miss na miss na miss na miss-"
"L*tche! Ayoko na!"
Natigil ang dalaga sa biglang pagsigaw ng binata. Tumayo si Gerald at mariin na tinignan sa mga mata si Jillian.
"Ako hindi mo nami-miss?! Ano ka ba Jillian, date natin ito pero ano yang inaatupag mo?! Putch@! Kaibigan natin yon at babae pa pero nakakaselos parin!"
"Kala ko ba naiintindihan mo ako?"
"Oo, kaya nga kita hinahayaan pero sana naman kahit konti ng yong oras ibigay mo sakin! Ako lang ba ang may gusto na magkasama tayo?!"
Naglakad ang binata palayo. Tumayo na din ang dalaga at humabol sa kanya. Nasa parke sila ngayon pero di nila alintana kahit may ibang nakatingin.
"Hoy Gerald! Wag mo naman akong iwan! Sorry na oh?!"
Parang batang humahabol ng lakad si Jillian dahil sadyang mabilis maglakad si Gerald. Patuloy sa pagtawag ang dalaga ngunit parang walang naririnig ang binata.
"Ano ayaw mo na talaga?! Bakit kala mo di ko kaya?! Pwes, ayawan na! Pangeeeeeeeet!"
Nagsawa na ang dalaga kaya naglakad na sya sa kabilang direksyon. Doon ay tumigil na ang binata tsaka sya nilingon ngunit pinagmasdan lang sya ng binata habang papalayo. Bakas sa mukha ni Gerald ang kalungkutan.
---
Nakarating na si Jillian sa kanila...
"Maligayang pagbalik ms Jillian." sabay-sabay na bati ng kanilang mga kasambahay pagkapasok.
"Che! Manahimik kayo!"
Dirediretso ang dalaga hanggang makapasok sa isang silid ng bahay. Dinatnan nyang nakahiga sa kama si Zia. Pabagsak syang umupo sa kama kaya napabangon ang kanyang kapatid.
"Jillian? Nasa kabila ang kwart-"
"Wala na kami."
"Ha?"
"WALA NA KAMI!"
"Ni G-gerald?"
"Ayaw na nya daw Zia! Huwaaaaaaaah~"
Biglang umiyak si Jillian at yumakap sa kapatid.
"Bakit sya ganon? Ang sama nya! Kala ko naiintindihan nya ako! Eh miss ko lang naman si Ally ah? Hmp! Kala nya di ko kaya? Break kung break!"