Dedicated kay Im_an_EXOtic_VIP dahil sa message nyang napakahaba na nakakaganda ng mood talaga. Pero ewan ko nalang kung matutuwa sya kung si Fiona ang bibida sa chap na ito na kinaiinisan ng nakakarami. Hoho. Ganon man, ma-enjoy nyo parin sana ang Extra chap.
Ah, dun sa nagtanong sa extra char na si Blake (yung artista na nagka-mall show), magme-main char sya sa 'Balak kong Book2'. Dun sa unknown na babae naman don sa same chap na lumabas si Blake, ate ni Rence yun. Pakibasa girl yung chap bago nahuli si Venus as master mind sa pangbu-bully kay Elvina. Aiun. Hehe.
ENJOY READING EVERYONE! (^0^)/
----o0o----
"Venus?" tawag ni Fiona pagkapasok ng silid sa isang bahay.
Dirediretso sya sa loob hanggang sa makita si Venus na nakaupo sa sahig malapit sa kama at umiiyak. Kumaripas ng takbo si Fiona palapit sa kaibigan.
"Anong nangyari?" alalang tanong ng dalaga sabay yakap sa kaibigan.
"Maghihiwalay na sina mommy at daddy! Wala na talaga silang pakialam sa akin!"
"Hmp. Yaan mo sila. Andito ako at di kita iiwan kaya tahan na."
Napangiti si Venus na nanatiling lumuluha bago gumanti ng yakap sa kaibigan.
Ilang sandali lang ay tumila na sya sa pag-iyak. Umupo ang dalawa sa sala at doon nag-usap.
"Anong meron? Naparito ka?"
"Hihingi ako ng advice."
"Sa?"
"Dun sa crush ko." ( -u-)
"So nakapag-move on ka na nga sa pagkabaliw mo kay Rence?"
"Siguro."
"Niloloko mo ba ako Fiona?" (=_= )
"Di ko pwedeng sabihing naka-move on na ako kay Wafu kung alam kong kasinungalingan yon. Baka tanggap ko ng hindi kami para sa isa't-isa kaya siguro napunta ang atensyon ko sa iba."