May bago akong fan kaya masaya ako ngayon kahit na confiscated yung notebook ko na may draft ng story. Andun din yung plot ko sa gagawin kong story pagnatapos ito. Huli ako ng supervisor kong nagsusulat sa work e. Wahahaha... Dedicated to MelvinFajardo. Thanks sa mga patuloy na nagbabasaaaaa! At tsaka sa mga votes at comments palaaaaa! ^^
**Motor ni Rence ang nasa gilid. ----------------------------->
_________o0o_________
Chapter 14
Naglalakad na pabalik ng basketball court si Elvina.
"Ako nanay? Aba naman. Loko yung tatay na yun ni Mina. Kawawa naman tuloy yung bata." sabi nya sa sarili habang naglalakad.
"Ang dami kong nakilala ngayon. Ang dami kong ikukwento kay lola mamaya." (^.^)
Isang sandali lang ay napansin nyang tumatakbo si Rence papunta sa kanya. Nasa likod ng binata sina Lester, Gerald at Renald na tumatakbo rin.
"Oh tapos na agad laro nyo?" ( '.' ) tanong ng dalaga kay Rence na tumigil sa harap nya. Nakayuko ito at nakahawak sa dalawang tuhod. Halatang pagod ang binata dahil naghahabol pa sya ng hininga. Ilang saglit lang ay tumayo na ito at hinarap si Elvina.
"San ka galing?" diretsong tanong ni Rence.
"Dun." sagot naman ni Elvina na nakaturo sa pinanggalingan niya. \( .")
"Pwede ba kahit minsan lang sumagot ka ng maayos!"
"Ano bang magulo sa sinabi ko? E dun naman talaga ako galing."
"Ano na naman ginawa mo don?!"
"Nalakad." saglit na natigil si Elvina tapos ay may naalala. "Sayang nga e. Wala man akong dalang pera. Gusto kong bumili kanina ng fishball o kaya yung icecream o kaya yung mani. Meron pang nagbebenta ng cotton candy kaso wala akong pambili. Ah! Musta pala yung laban? Sino nanalo sa inyo?"