My Note [not an update]

16.5K 160 35
                                    

Hi frienships! Na-miss ko kayo! (^0^)/

 Hindi ito update ng story. Bale gusto ko kayong i-inform sa current status ko para at least aware kayo. hihihi~

 Kung nabasa nyo yung note ko sa previous chap, nawala wallet ko. Ngayon naman nahospital ako kasi dumugo ang ilong ko. [Excuse me kung meron kumakain.  (>_<)v]  Meron nakitang sugat sa loob at kailangang matuyo iyon.

 Pinagbawal akong magcomputer nina tatay kahit sa laptop ko pa. Nasa internet cafe nyan ako. [Pasaway lang? haha] Kailangan ko munang magpagaling. Hindi na nga ako pinapapasok sa work e.

 Bale wala munang UD kaya hindi ko masisisi kung merong mag-unfan. Basta ang importante ngayon hindi kayo maghihintay sa UD na ako mismo hindi alam kung kelan. ^^

 Ang saklap lang kase nawala na nga ng salapi tas napapagastos pa kami. Nakakahiya sa parents ko. (>n<) Ang sabi ni lola ayos lang daw yun. Naiintindihan naman daw nila. Ahai...

 Ayun nga. Basta kapag ayos na lahat, balik sa dating routine yung UD. Itutuloy ko talaga ito kapag magaling nako. Meron pa sanang reader nun. bwahaha~

 Ai, pacomment nalang sa baba kung meron kayong gustong sabihin. ida-download ko yung link neto sa phone tas aabangan ko kung merong message. hehe

 Pasensya at thank you sa mga nag-abang. Masaya ako sa support nyo. God bless you always! I LOVE YOU ALL! (^0^)/

 =+=+=+=+=

I'm back! (Ignore notes above. hehe)

Magaling nako pero waley, di nabalik ang wallet ko. Huhuhu. Makakapag-UD na ulit ako pero may pagkakaiba na nian. Di na nian ako masyadong magiging active sa wattpad. Di ko na magagawang magpa-thank you isa-isa sa mga fan na nadadagdag sa profile ko. Di na every 2nd or 3rd day ang UD. Matagal bago ako makakapag-response sa messages o comments. Baka di na rin ako makakapag-hanap ng pics at vids para sa multi-media. Ano pa ba? Basta ayun, madaming pagbabago dahil ala nakong work. Ang dami ko kasing absent e. Wala akong pambayad para sa matagalang pagbababad sa Internet Cafe. Ahehe. Story nian focus ko.

Grabe na-miss ko dito lalo na kayo. Ang katangahan ko lang, ni-download ko yung link neto pero walang comments na dumating. Wala palang darating kung offline nga naman. Pffft. Pero infairness, na-touch ako ng MALAKING MALAKING MALAKI sa mga nag-message sakin pagka-online ko. Ang babaw ko siguro pero parang naluluha ako habang nakangiti ako ng malapad nung binabasa ko sila. Di ako umiyak! Malamang pagtitinginan ako ng mga nagdo-dota dun. XD

Hanep, ang dami kong napagdaanan. Nawala buong salary ko, na-doctor ako tas dumating si hanging Habagat. Oy di joke yun kasi lumubog yung pinagtatrabauhan nina mama kaya aiun, pareho kaming nga-nga sa bahay. Tas si tatay pa, di makapang-pasada. E sa walang pasahero nun. Baha. Na-experience ko ngang sumakay ng truck para lang makapagpa-check-up. Bwahaha. Baha din malapit sa hospital. Hay, grabe lang talaga. 

Alam mo yung feeling na parang wala ng pag-asa? Yung naiiyak ka nalang sa sulok ng room mo? Wala pa kong ipon na hawak kaya sobrang hiya ako sa parents ko kasi sila namomoblema na kung tutuusin ako dapat kasi ako may sinahod kaso nawala. Panganay pa man din ako. Ang laki na nga ng sakripisyo nila sakin tas sa isang iglap naging pabigat pa ako sa kanila. Pero grabe, ang swerte ko parin talaga. Wala silang sinumbat. Di nila pinamukha sakin. Ni ayaw nga nila akong magtrabaho o mapagod kaya heto ako ngayon, tinubuan ng mga salbabida sa tyan. Kain-tulog ba naman. Nyaha!

Sini-share ko lahat ng mga yan para pagpayuhan kayo.

"Mag-ingat."

Walang magandang naidudulot ang sobra. After ko sa work, deretso ako sa Internet Cafe. Abuso sa katawan. Pagod, stress, etc. Which cause daw ng pagdudugo ng ilong ko. Please take care of your body. Di naman kasi mangyayari na ngayon ka magtatanim, ngayon mo aanihin. Enjoy ako nung una oo pero kalaunan nagsisi ako. My blood test result shows na may certain count daw na pag nabawasan pa e mauuwi sa Laukemia ang condition ko dahil sa dami ng nawalang dugo sakin. Bale, white vs red blood cells count ata? Aiun. Isa pang payo,

"Don't give up."

Lahat ng tao may kanya-kanyang pinagdadaanan. Kung baga sa wattpad, kanya-kanya yan ng story, scenarios o chapter ng buhay. Ang mga problema kasi, duwag. Dahil kung hindi sila duwag dapat isa-isa sila dumarating hindi yung sabay-sabay diba? Kaya dapat harapin lang sila dahil di hamak na mas matapang ka.

"Be possitive."

Isa pa yon. Just think that, you need to have a bad day sometimes because you will never know what a good day feels like. Diba? And lastly,

"Believe in God."

 Yung iba nga sinisisi pa Sya e. Di na nahiya. Chos! Haha. Meron kasing ibang napapasabi ng, "Ay, Dyos ko bakit ganyan ang buhay?" O kaya, "Pinaparusahan Mo ba ako?" Meron pa ngang, "Ayoko na. Kunin mo nako Lord!" Matamaan sapul! Haha.

Mga friendship, God is good. Always! Iwanan ka na ng lahat pero Sya hindi. Mawala na lahat sayo pero Sya hindi. Just pray and have faith. Call the name of Jesus. Ako nga ang daming pinagdaanan pero di Niya ako pinabayaan. Heto ako ngayon, alive and kicking ulit! Haha. Wag po natin Syang sisihin. Sabi nga nila, "If you ever feel that God is taking away something from your hand, do not get sad. He is only emptying your hand so you can recieve something better!" Ang mahalaga sa ngayon buhay ka pa. May chance ka pa. Wala ka man lahat para ma-enjoy ang buhay, meron ka namang buhay para ma-enjoy kung anong meron ka. Choose to see nice things because life is much happier that way. Diba? :)

At aiun nga, ang haba ng note ko. Bwahahaha~ Asahan nyong wala ng ganito sa susunod dahil nga sa magfo-focus na nian ako sa story. Ayieee, di na sya makakakita ng mahabang epal note ko. Haha. Thanks sa time mo. Thank you sa pagbasa hanggang dito. Ang bait mo dahil pinapahalagahan mo nilalagay kong note.

Please take care always. God bless you! ^^

-->BelomaCassidy

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon