Chap73: Lost 3p

14.8K 215 26
                                    

2 chaps remaining...


Daming galit kay Fiona ah? Tinataboy sya sa story. Haha. Ano kayang ikocomment nyo sunod pagkabasa ng chap na ito? *u*

 

Para pala sa mga masugid kong mambabasa, hihingi ako ng support sa isa kong gimik. Gagawa ako ng short story na matatapos ng less than 2weeks. Straight UD yun! As in araw-araw. Bale mauuna pa yung matatapos kesa dito sa MP3p at brat series.

 

Ang title, "Getting my Ex back operation" Parang Fiona lang ang peg? Mali, basta abangan nyo sya. Hoho. Nakatrip na naman ako at sana sakay kayo. XD

 

O sya, umpisahan na ang UD.

 

Enjoy sa pagbasa! ^0^

 

 

______o0o______

 

 

Chapter 73

Nakayakap parin si Fiona kay Rence...

"Rence?" dinig ang panginginig sa boses ng dalaga.

"I missed you. Namiss mo rin naman ako diba?"

Walang imik ang binata na nakatayo lang.

"Balita ko masaya ka na kay Elvina. Wag kang mag-alala kasi pumunta ako dito para batiin ka ngayon. Buti ka pa nakapag-move on na."

Humiwalay na sya mula sa pagkakayakap kaya kita nya ngayon ang makabuluhang titig ni Rence.

"Galit ka pa rin ba sakin?"

"Ikaw diba?"

"A-alin?"

"Ang pasimuno. Ang nanakit kay Elvina."

"Oo." yumuko si Fiona bago nagpatuloy.

"Isa rin yan sa mga dahilan kaya ako naparito."

Naiyak na ang dalaga.

"Gusto ko ng mag-move on. Gusto kong manghingi ng tawad. Ang saya-saya nyo na pero ako, nabubuhay parin sa nakaraan natin. Suko nako Rence. Ang sakit-sakit na e. Promise, makikinig nako kay kuya. Hindi na rin ako mananakit kahit kelan kaya please, patawarin mo ako."

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon