Extra 3p: Renvina

8.4K 208 35
                                    

 

Dedicated sa kanya dahil isa sya sa mga nagmessage sa akin na nakakatats. Tsaka solid supporter din kase sya ng mga gawa ko. Andon ba naman halos sa Library nya. Hehe.

 

 

Ay nga pala, last Extra 3p na ito. Gagawa na kasi ako ng plot ng book2 eh. Pero di ibig sabihin na ipo-post ko agad ha? May stories pa akong on-going. 'Bratinella Series' at 'Beauty in a Beast'. Pa-support din? XD

 

 

**Pic nina Elvina, Rence at Blake (ang character na makikigulo sa book2) ang nasa gilid.

 

 

ENJOY READING!!! =)

----o0o----

"Tapos nun pinasuot nila ako ng iba-ibang damit. Tsaka madami ding hairstyle ang pinanggagawa nila. Buti nga hindi nasisira yung buhok ko eh. Ang sabi pa nila kung pwede lang daw sanang i-extend ang contract ko, madami daw offer na proj-"

"No. Go back home right after your contract ended."

"Oo nga. Nagkukwento lang naman ako eh. Hmm, miss mo na ako?"  (>u<)

"Yeah."

"Ako rin Rence. Pasyal ka naman dito oh?"  (*o*)

"I can't. There's a lot of thing that needs to be done for school."

"Ganun? Ay, musta na pal-"

"Sino yan Nana?"

Napakunot ang mga kilay ni Rence ng makarinig ng boses ng isang lalaki sa kabilang linya habang kausap nya si Elvina. Napaupo din sya mula sa pagkakahiga nya sa kama ng kanyang silid.

"Wala kana dun dahil nandyan ka." sabi ng dalaga dun sa lalaki.

"Oo nalang ako."

Tahimik na munang nakinig si Rence sa usapan ng dalawa.

"Ay, bat ka pala andito? Sa kabila ka dapat mag-aayus di ba? Naku. Labas ka na dali."

"Kadarating ko lang."

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon