Grabeeeeeeee~ ang bilis ng mga pangyayare! Hondome ng readers ng story! Sulit ang paghahanap ko ng kung anik-anik sa internet. XD
Dedicated to dyubeee. Ui girl para sayo naman itong chap na ito. ^^
**Slideshow nilagay ko ngayon. Dyan nyo makikita yung suot ng iba sa party. Kung gusto nyo naman makita yung venue, yung External Link sa baba ng cover i-click nyo. By the way, kina Rence yun! May nilagay din akong vid. Once again, unrelated sya sa story. Para naman may exposure din si Rence. haha~ You can start listening to the vid while reading. It's up to you. ^^
_________o0o________
Chapter31
Tahimik lang sina Rence at Elvina sa kotse habang nagbabyahe. Hindi na nakatiis ang dalaga kaya binasag na nya ang nakakailang na katahimikan...
"Uhhm, ayos ka lang?"
"Yeah." sagot ni Rence na hindi man tumitingin kay Elvina.
"Hmm... Ok." sabi nalang ni Elvina tsaka tumingin sa kabila pero ilang saglit lang ay muli nyang kinausap ang binata. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" ( '.')
"None."
"Aah, ok." at muling naghari ang katahimikan sa loob ng kotse hanggang sa makarating sila sa handaan. Akmang bubuksan ni Elvina ang pinto ng nagsalita si Rence.
"Don't move." sabi ng binata sabay labas. Nagtataka ang dalaga pero sumunod naman sya. Sinundan ni Elvina ng tingin kung saan naglakad si Rence at tumigil ito sa tapat ng pinto kung saan sya lalabas. Binuksan ng binata ang pinto para sa kanya ng ikinangiti nya.
"Wow naman. Parang princess ako." (^.^)
"Tsk! Labas na." ( -_-)
"Eeeeh! Ang ayos na nga, sinisira mo pa ang moment. Uhhm, di mo man lang ako ipaglalahad ng kamay? Lubos-lubosin na natin. haha. Madalang lang yung ganito e." (^.^)
"Lalabas ka o pagsasarahan kita?"
"Yih!!! Ganyan ka naman. Di ka nalang maki-ride kahit minsan." Nagmaktol pa si Elvina pero sumunod naman sya.
Isinara na ng binata ang kotse pero hindi parin sila umaalis doon. Nakatingin lang si Rence kay Elvina kaya nagtaka na naman ang dalaga.
"Oh? Anong problema? Tara na sa loob." ( '.' )sabi ni Elvina. "Kanina ka pa wala sa sarili mo ah? Uhhm, may sakit ka ba? Nagpahinga ka na lang sana tutal naka-attend ka na sigurado sa ganitong party." dagdag pa nya.
"Bakit ka pa nagkolorete ng mukha? Ang ikli pa ng suot mo."
"Aba, syempre naman. Bakit hindi? At tsaka, anong connect ng pagmumukha ko sa mood mo?" Natigilan si Elvina tsaka biglang nag-alala. "Teka...wag mong sabihing..." Napalingon si Elvina sa tinted na salamin ng kotse. "Kumalat ba yung make-up? Pangit na ba ako?"
"..."
"Hala? Uwi muna tayo saglit. Paayos natin ulit ng make-up ko." Pilit na inaaninag ng dalaga ang sarili nya sa salamin dahil hindi ganon kaliwanag ilaw sa parking lot. "Minsan na nga lang ako nakapag-ayos ng ganito pero parang diko pa ata mapapanatili sa buong party."
"Aish! Tara na nga!"
"Eh? Teka naman. Diko makita sarili ko. Bat kasi ganyang ilaw dito e. Paano pag mukha na pala akong ewan? Baka pagdating natin don pagtaw-"
"Maganda ka!"
"Ah?" Napalingon si Elvina sa kanya.
"I said, you're beautiful so let's go."
"Eh?"
"Aish! Bahala ka sa buhay mo!" humakbang na ang binata pero pinigilan sya ni Elvina sa paghawak sa tela ng damit sa may kamay. Sa bandang dulo lang nakakapit gamit ang mga palad si Elvina pero gulat at tulala si Rence na nakatingin doon.
"Wag mo naman akong iwan." sabi ni Elvina na nakahawak parin sa damit ni Rence sa may kamay. "Hindi naman kasi talaga ako makapaniwala e. Kasi naman kanina ka pa nananahimik. Bakit dimo sinabi kanina? Kala ko naman hindi ko bagay yung ayos ko."
"..."
"Ay, pasenya. Nalukot yung damit mo." sabi ng dalaga sabay bitaw mula sa pagkakapit. Tumingin na si Rence sa kanya. "Uhhm, ibig sabihin... nagagandahan ka rin sa akin?" Nginitian lang sya saglit ng binata bago nagsalita.
"Let's go." sabi nito tsaka ngit-ngiting pumasok.Sinabayan naman sya ni Elvina
"Di man lang ako sinagot?" sabi ni Elvina sa sarili.
---
Sinalubungan sila ng tingin ng mga taong nasa loob ng nakapasok na sila. Kanya-kanyang bulungan na naman ang maririnig. May mga positibong salita ang naririnig nila pero hindi mawawala ang mga negatibong pananaw ng iba kaya ninenerbyos si Elvina na nahalata ni Rence..
"Don't worry." sabi ni Rence.
"Basta sabi mo maganda ako ah?"
"Yeah." napangiti na si Elvina at panatag na syang naglakad hanggang sa makapunta sila sa mesa kung saan naroroon ang kanilang mga kaibigan. Nadatnan nila sina Lester, Gerald, Renald, Zia at Jillian.
Naging masaya ang handaan...
Tuloy-tuloy lang ang programa at kulitan nila. Kanya-kanyang ekspresyon ang makikita sa bawat isa. Magkakaibang ugali pero nagkakasundo sila.
Dumating na sa parte ng programa kung saan magkakayayaan na ang mga estudyante para magsayaw. Biglang naglapitan ang kumpol ng mga babae at niyayaya nilang magsayaw ni Lester.
"Sorry babes. I already have my partner." sabi nya sabay kuha sa kamay ni Zia at alalay sa kanya patayo.
"A-a-a-ako?" Nabubulol na naman si Zia.
"Yep!" sagot nya kay Zia. "Bye Babes!" sabi naman nya sa mga babae na ngayon ay nakatingin ng masama kay Zia.
"Hahahahahahahahahahahaha~" tinawanan ni Jillian ang kapatid sa nangyari pero natigilan din sya dahil bigla syang hinawakan ni Gerald sa kamay.
"Ang ingay mo! Isasayaw na kita kaya wag ka ng mainggit kay Zia." sabi ng binata sabay hatak.
"ANO?!" wala ng nagawa si Jillian dahil nasa dance floor na sila.
May mga babae ding lumapit kay Renald pero tinulugan lang ng binata ang iyon. Sumusubok din ang iba na lumapit kay Rence pero umuurong din kapag tinignan na sila ng binata ng masama.
Ilang saglit pa ay may lumapit na din kay Elvina at niyaya syang magsayaw. Hindi pa nakakasagot ng oo o hindi ang dalaga ay may dumating na namang isa kaya nauwi sa debate ang dalaga. Natatawa na lang si Elvina sa mga nakikita.
"Tsk! Ayan na nga ba sinasabi ko." bulong ni Rence sa sarili.
Pinagmamasdan nya rin lang ang mga ito hanggang sa napansin nyang papalapit sa gawi nila si Aldrich na diretso ang tingin kay Elvina.
"Aish!" bigla nyang sabi sabay tayo kaya napatingin sa kanya ang iba. Lumapit sya kay Elvina tsaka nya hinawakan sa kamay at hinila pa puntang dance floor.
"Hoy!" tanging salitang lumabas kay Elvina.
"Sayaw tayo!"
(o.o) -elvina
_________o0o_________
NOTE: Kaninong 'Dancing 3p' bet nyo? Maraming variety sa chap na ito diba? hahahaha...
Uy, napanood nyo yung vid? Nakakatawa lang si Rence. Nauubusan sya ng hangin! XD Bigyan nyo dali! hahaha! Pa-click ng VOTE kung gusto nyo yung chap na ito. SALAMAT!
**Next==> "Wrong 3p"
-->BelomaCassidy