Woooooh! Ang saya! Iba't-iba yung reactions na nabasa ko. May nagulat, di makapaniwala, kinilig, kumontra, naexcite, etc. Ahaha. XD
Naglabasan na rin yung ibang silent readers kaya nakakatuwa talaga. ^___^
Para nga pala sa mga nalito, walang sinabi si Elvina na hindi pa sya nagkakaboyfriend. Ang sabi nya nun, hindi pa sya nagkakafirst kiss. Icheck nyo man. Hehe. ^u^
Hey guys, pasensya pala kung natagalan UD. May work na kasi ulit ako. Happy me! (Sindi fireworks. Hagis confetti. Hipan trumpet) Aiun. Matagal yung process ng application. Nagpa-product training nako tas nag-aayos na din ng requirements kaya wala pang sapat na time. Pero heto oh, update na makulit para sa mga matyagang nag-aabang!
ENJOY KAYO! (^O^)/
______o0o______
Chapter 56
Nasa kanila nang silid ang mag-lola...
"Parang ang tagal mong gawin yang takdang aralin mo ngayon Ina?" tanong ng lola ni Elvina na kakaupo lang sa kama.
"Eh kasi la, ang ingay mo. Hindi po ako makapag-focus." (>u<)
"Aba'y hindi naman ako kumikibo dito. Tsaka bat ganyan ka ng sumagot? Iyan ba tinuturo sayo ng titser nyo?"
"Si lola naman oh. Joke lang po. Uhm, pero la, nagbago na ba ako?"
"Lalo kang naging pasaway."
"Lola naman e! Dapat po, oo at hindi ang sagot nun."
Natawa ang matanda.
"O sya. Bilisan mo jan ng mapatay mo na yang ilaw. Wag kang magpuyat at may pasok ka pa bukas."
Humiga na si lola Marie pero nilapitan sya ng dalaga at kinausap.
"Di nga la. Di po ba ako nagbago? Di ba mas dalaga na ako ngayon?"
"Oo na, oo na. Gawin mo na yan tsaka ka na matulog."
"Lolaaa..." inalog ni Elvina ang lola na nakapikit na kaya muli itong dumilat at umupo.
"Hay bata ka. Bat ka ba nangungulit?"
"Ha? Uhm, naaalala mo pa la si Eman?"
"Oh?"
"Kasi nakita namin sya ni Rence kanina. Tapos... tapos ano... sabi nya dalagang-dalaga na daw ako."
"Aba apo naman. Hindi kayo pwedeng magkabalikan. Parang kinikilig ka pa e wala na kayo. Tsaka paano nalang si Rence?"
"Kung ganon, a-alam mo ng gusto ko si-" (o.o)
"Hindi talaga pwede apo. Una, nakakahiya kay Joana. Isa pa, ano na lang mararamdaman ni Rence? Nagbago na nga sya simula ng nakilala ka."
"Pa-pano mo la nalam-"
"May nangyari na nga sa inyo tapos kumakarengkeng ka pa. Jusmiyo. Mali atang desisyon na pumunta tayo dito sa syudad."
"Lola naman eh!"
"Aba. Ikaw pang may ganang sumigaw? Hindi mo na ako ginalang. Jan ka na. Matutulog nako." muling humiga ang lola at tumagilid sya na patalikod sa apo.
"Eeeeh, lola naman oh... Dire-diretso ka kayang nagsasalita jan. Di mo man lang ako binigyan ng pag-asang idepensa ang sarili ko. Syempre di makatarungan yun." (T3T) niyakap ni Elvina ang lolang nakahiga.
"Hindi ata kita kayang alagaan. Hay, jan ako bilib sa nanay mo. Parang wala syang alam gawin pero ni minsan hindi sya nagkulang sayo pati sa anak ko. Pano ka ba nya pinalaki non?"