Chap27: 3p ni Venus

21.5K 299 36
                                    

Dedicated to ganz725. Ayan, isa si Jalden sa supporter ng story. Thank you ng madami kaya, salamatS! hahaha XD

Grabe ang saya ko lang kasi naman ang dami na ng nagfan sakin. Meron mang nag-unfan, ayos lang! ^^ May listahan ako kaya alam ko. hehe... At least madami na akong pedeng malagay para mag-dedicate.

Uuwi ako ng ngayon Pampanga maya! Weeeeeeeeeee~   <3

_________o0o_________




Chapter27

Kasalukuyan ng nagkaklase...

Nadidiskusyon ang guro sa harap pero hindi nakikinig si Rence. Hanggang ngayon ay malalim parin ang kanyang iniisip habang nakatingin sa labas.

Nag-aalala naman si Elvina kaya hindi na rin nya nakuhang makinig pa sa guro. Malungkot syang nakatingin sa binata. Hanggang ngayon kasi ay hindi nya alam kung anong bumabagabag kay Rence.

Isa rin si Aldrich sa mga hindi nakikinig dahil nakatingin sya ngayon sa dalaga at kita nyang nakatingin ito sa dating kaibigan. May mga ibig sabihin din ang mga titig nya.

Saglit silang nanatili sa gayong ayos hanggang sa may naisip gawin si Aldrich. Kumuha sya ng papel at nagsulat. Nilagay nya iyon sa mesa ni Elvina tsaka bumaling sa harapan kung nasaan ang guro nila.

Lumingot saglit si Elvina kay Aldrich matapos bitawan ng binata ang papel bago binasa ang nakasulat.

'Wag kang bumusangot. Nawawala ang ganda mo.  (^___^)\/'

Natawa ng mahina si Elvina pagkabasa kaya napalingon si Rence sa direksyon nila. Pasimpleng nakikinig ang dalawa sa guro kaya hindi nila alam na nakatingin na ang binata. Nagsulat din si Elvina sa papel at pasimpleng binalik iyon kay Aldrich para hindi mahuli ng guro.

'Ganyan talaga pag magulo utak ko kaya wag kang magulo. (x_x)'

Napakasimple lang ng mensahe ni Elvina pero naging dalihan iyon ng pagngiti ni Aldrich kaya parang nagkakatuwaan ang dalawa sa paningin ni Rence.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon