Chap69: Selosan 3p

15.5K 224 17
                                    


Hello sa inyo! Andito na naman po ako. Sa ayaw man o gusto nyo, bibida na ako. Haha. Ayan, sinumpong na naman ako ng kabaliwan. XD

 

Next week na yung valentines day. At yung iba jan, ehem, may date na. Uuuuy~ haha.

 

Sa day na yon ko dapat ilalabas yung new story na naisip ko kaso may work ako nun kaya ngayon na lang. Di na muna yung Love Ways. Andyan sa gilid vid nung story. Bratinella Series sila. Super layo ng style kumpara sa MP3p pero sana suportahan din. Na-post ko na Prologue. Pakiclick lang yung external link or itype ang m.wattpad.com/12051145 para sa mobile readers. Thanks!

 

Oh heto UD...

 

Enjoy lageeeeeeee! (*u*)/

______o0o______

 

 

Chapter 69

Mabilis na lumipas ang mga araw at mabilis na kumalat ang tungkol sa magkakaibigan. Pero ang mas naging matunog sa kanilang paaralan ay ang pagiging malapit sa isa't-isa nina Elvina at Aldrich.

Hindi maiwasan mag-isip ng masama ng iba dahil nagmumukhang mas malapit ang dalawa kahit ang kasintahan ng dalaga ay si Rence. May pagkakataong magkasama ang magkasintahan ngunit ka-text ng dalaga si Aldrich. Ilang beses din na nakarating kay Rence ang mga bulungbulungan na magkasama ang dalawa sa iba't-ibang lugar sa paaralan.

Walang away o tampuhang nagaganap sa kanila ni Elvina dahil nagpapaalam ang dalaga. Gayon man ay makikita sa mukha ng binata ang kuryosidad dahil sa mga nangyayari.

Nakaupo ngayon sina Elvina at Rence sa damuhan at kumakain sa oras ng merienda...

"Masarap ba?" ( '.' )

"Yeah."

"Anong kinakain mo pag nasa condo ni lola seniora? Parang gutom na gutom ka ah?"

"Instant noodles."

"Di kaya magkasakit ka nyan? Dapat pala dinamihan ko na niluto ko para may maidala pagkauwi e. Uhm, anong gusto mong ulam bukas?"

"Anything. As long as you're the one who cooked."

"Bat di ka kasi magpractire magluto?"

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon