Chapter 01.
Substitute.
"Hindeee!" hinihingal na napabalikwas ako ng bangon sa malaking kama at napatingin sa alarm clock kong parang manok na kanina pa ako tinutuka!
Napamasahe ako sa sariling noo matapos kong ma- off ang alarm clock at saka napatingin sa labas ng bintana. Medyo maaga pa ah? Binangugot na naman ako... Hayy! Ano bah yan! Tumayo na ako at inayos ang kama na tinulogan.
Isang taon na ang lumipas, isang taon na simula noong tumira ako dito sa mansion na daig pa ang nga kastilyo sa mga prinsesa at prinsipe. Naging malapit ako kay Daddy na hanggang ngayon ay nagdududa pa rin ako. Ibang- iba ang ipinapakita niyang ugali kapag ako na ang kaharap niya pero kapag ang kasama niya sa trabaho ay nagiging malamig at seryuso siya.
May panahon na nakikita ko silang nag- uusap sa isa sa mga kwarto dito sa bahay at napakaseryuso ng usapan nila! Grabe! Nanghihinala tuloy ako kung ano ang trabaho ni Daddy.
"Good morning, Vaeda!" bati sa'kin ng personal maid ko na si Essena. Masyadong matamis ang ngiti niya kaya nahawa ako.
"Morning," pagod na bati ko pabalik.
"Ay? Bakit pagod na ata ang boses mo, ma'am? Teka! Huhulaan ko! Binangungot ka na naman 'noh?" nakangiti akong tumango, she suddenly snapped her fingers. "Sabi ko na nga bah! Ano ka bah, Vaeda! Daddy mo talaga si sir Vandrick, kamukhang- kamukha kayong dalawa!" ngumuso ako.
"Ewan ko bah, Essena... masyado pang magulo ang utak at isipan ko but nevermind! Sisimulan ko ang araw na ito na hindi nag- iisip ng masama so yeah! Maliligo na ako." pampalubag- loob ko.
Pumalakpak siya na parang may kalapating hinahabol. "Sige! Handa na ang paliguan mo at damit mo! Maghahanda na rin ako para sabay tayong pumunta ng school," tumango ako at lumabas naman siya.
May special treatment si Daddy kay Essena dahil magkaedad lang kami. Anak siya ng mayordoma dito at dahil hindi gusto ni Daddy na mapag- isa ako, pinag- aral niya si Essena kasama ako sa isang mamahalin na eskwelahan. Napakarangya na ng buhay ko ah? Bakit kaya nagkaganito?
Naligo ako at nagbihis ng uniform ko, maliit na palda at hapit na hapit sa beywang ang puting polo. Lunes ngayon at ganito ang theme ng school namin kada Lunes at Martes. Matapos ihanda ang sariling mga gamit ay doon na ako lumabas.
Dumiretso ako sa dining room at nadatnan ko si Daddy at Vaiden. Oo! May nakababatang kapatid ako na kamukhang- kamukha ko naman talaga! Nakanguso niya akong tiningnan habang kagat- kagat ang ham. Inirapan ko siya at binelatan bagi umupo.
"Good morning, anak. Looking fresh huh?" ngumiti ako kay Daddy.
"Good morning po, Daddy. Hala, hindi naman po masyado, ikaw pa nga ang mas fresh sa akin!" tumawa siya at saka ipinagpatuloy ang pagkain.
"Did you know Daddy? Si Ate pumupunta nang mag- isa sa mall--"
"Daddy! Malapit na po ang card day namin! Sabi ng teacher, ako raw ang top one! Hehehe," inunahan ko kaagad si Vaiden sa pagsusumbong, pinandilatan ko siya ng mata. Akala mo ha!
Nagsimula akong kumain nang tahimik at malaya. "Really hija? Ipinagmamalaki kita kung ganoon! Matatalino talaga ang mga anak ko, dapat akong magsagawa ng selebrasyon!" natawa ako.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomancePublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...