Twenty- Four

1.1K 27 1
                                    

Chapter 24.

Coming Back.

Nakakailang man ay tinabihan ko si Tita Nikki na nakangiti na ngayon. Kami na ngayong dalawa ang kumakain sa lamesa. Si Daddy ay lumabas kasama si Tito Dominic, tahimik man ay kumain pa rin ako.

"I was sorry what I said earlier, Yzabelle..." napatingin ako kay Tita. Nilagyan niya pa ng ulam ang container ko.

"A- ayos lang po 'yon... nagulat lang ako sa mga nangyari kaya ako sana dapat ang hihingi ng pasensiya," marahan siyang natawa at hinaplos ang buhok ko, mas lalong lumapad ang ngiti niya kaysa kanina.

"You just mentioned Ashta kaya ganoon nalang ang pagiging seryuso ko kanina but anyways," tiningnan niya ang sariling pagkain. "Let's not talk about her and just eat our food for now..." tumango ako sa sinambit niya saka tiningnan si Kailean na kausap ang kapatid niya.

"Mabuti nalang po ay nagising na ang anak niyo, Tita... hindi ko ata kakayanin kapag matatagalan ang paggising niya," huminga siya nang malalim.

"I should thank you because of you, he woke up that fast," nanlaki ang mata ko. Huh?! Dahil sa akin?! "You even hugged my son like you really missed him, hmmm." tukso niya, ramdam ko naman ang pang- iinit ng pisngi ko.

"H- hindi naman po..." 'yon lang ang nasabi ko at parang kambing na nginuya ang pagkain sa loob ng bibig.

Natawa na siya nang malakas. "You're denying! I can really feel na nagkakamabutihan na talaga kayo ng anak ko and gosh! After your marriage soon, bigyan niyo 'ko ng apo kaagad ha?" muntikan na akong masamid sa kinakain at pasalamat akong nakontrol ko!

Akma pa sana akong sasagot pero naunahan ako ni Kailean. "Mom, stop teasing her and just eat your food. You're already scaring her." tamad na saad niya.

Ngumuso si Tita. "But I am telling what I want to tell, anak! Matulog ka nalang nga lang ulit!" tunog na natawa si Kathlyn ay tukso akong tiningnan.

"Nakooo... Mommy, if you just know kung paano tinitingnan ni Kuya si Yza. Masasabi mo talagang nagugustohan na siya ni--" 'di natapos sa pagsasalita si Lyn nang sinuboan siya ng apple ni Kailean diretso sa bibig. Tinanggap niya naman 'yon.

"Shut your mouth up..." bumuntong- hininga siya at napahawak sa likod niya saka napadaing sa sakit. Agad na naalerto si Kathlyn at inalalayan siya. "Just kidding, just want to joke around." natatawang ani niya at akma pa sanang hahampasin ni Lyn pero huli na dahil sinuway na siya ni Tita Nikki.

"Hayyy Kuya talaga! Panira ka talaga ng mood! Matulog ka na nga! May gana ka pa talagang mag- joke eh hindi naman nakakatawa! Tse! Kainis!" anas ng kapatid niya.

Patago akong natawa at pinagpatuloy ang pagkain. Narinig ko pang nagbabangayan ang magkapatid hanggang sa pumasok si Kuya Cohen kasama si Kuya Mon, busangot ang pagmumukha nila kaya nagtaka ako. Ano naman ang nangyari sa dalawang 'to?

Pagkapasok nila ay sunod naman na pumasok si Vaiden at Ate Zella na may malalaking ngiti sa labi na parang nanalo sa lotto. Nakakapagtataka dahil pabiro pang hinampas ni Ate Zella ang balikat ni Kuya Mon na mas lalong ikinainis nito. Ano bang nangyayari sa kanila? Lumapit si Vaiden sa'kin para tingnan kung ano ang kinakain ko.

"Anyare sa inyo? Para kayong nanalo sa lotto ni Ate Zella ah? Tapos si Kuya Cohen at Kuya Mon, parang pinagbagsakan ng langit at lupa." tumawa siya.

"We played snake and ladder while we are out and guess what?" tanong niya pa sa akin. "Me and Ate Zella won, she's the first one who won and I am the next so yeah! Kaya ganoon ang nangyari sa mga mukha nila Kuya, they looked like kid hahahahaha," narinig ata 'yon ni Kuya Mon dahil nakita ko pa ang pag- irap para kay Vaiden.

You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon