Forty- Two

1K 32 0
                                    

Chapter 42.

Time.

"He is still breathing! He can still survive! Help! Tulongan niyo kami!" I shouted at my comrades who is now running on to me. Si Kailean kaagad ang bumuhat ni Vaiden at patakbong lumabas.

I am now holding my brother's hand while we are running in the long hallway. Pagkalabas namin ay ang pagresponde naman ng mga pulis na tinawagan ni Kathlyn. Pinalis ko ang mga luhang tumulo sa pisngi at galit na tinitigan ang kotse na nag-aabang sa amin.

Bigla akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Mommy na tumatakbo papunta sa ducati na sasakyan niya at doon sumakay. Nang makasakay sa kotse ay umikot si Kailean papuntang driver's seat, tahimik akong nagdarasal habang hawak-hawak nang mahigpit ang kamay ng kapatid ko.

Lord... tulongan mo po ang kapatid ko, hindi ko kayang mawala siya sa ganitong panahon... nakikiusap ako.

"A-Ate..." nataranta ako nang makitang dumudugo na ang ilong ni Vaiden nang tawagin niya ako.

"Shhhh Vaiden... huwag ka na munang magsalita hmmm? Nandito lang si Ate, nasa tabi mo palagi," saad ko at parang piniga at tinusok ng karayom ang puso ko nang makitang malungkot na ngumiti ang kapatid ko.

"I-I'm... s- sorry..." may tumulo na luha sa mata niya kaya napaiyak na naman ako. Hinaplos ko ang mukha niya saka umiling nang umiling.

"No no no... don't say sorry, hindi mo kasalanan, ako ang may kasalanan so shhh... t-tahimik ka muna... please..." nanginginig ang labing sabi ko at patuloy na napaiyak dahil sa pait ng nararamdaman. Humikbi ang kapatid ko at hindi na ata makahinga nang maayos kaya hinawakan ko ang dibdib niya.

"I-it was... my fault, s-sumama ako kay... Ashta," nanlaki ang mata ko at hinayaan siyang magsalita. "S-she told me that... Mommy will come and save us... and she was right... I s-saw Mommy again..." sumilay ang malungkot na ngiti niya na mas lalong piniga ang puso ko.

"Vaiden, huwag na muna ngayon please? Survive in this shit, Vaiden... pakiusap, nakikiusap ako sa'yo. Iligtas mo ang sarili mo... nagmamakaawa ako." hinalikan ko ang noo niya.

He softly chuckled and caressed my hair. "I want... but I can't..." kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagdahan- dahang pagpikit ng mga mata ni Vaiden.

"Hindi! Hindi! Wake up! Vaiden! Wake up! Don't sleep! Please!" paulit- ulit ko 'yong sinigaw habang tinatampal ang pisngi ng nakakababata kong kapatid. "Kailean! Dalian mo! The fvck! Please! Bilisan mo ang pagmamaneho!" sigaw ko sa nagda-drive.

Nanghihina na talaga ang tuhod ko at hindi na alam kung ano ang gagawin lalo na noong nakarating kami sa hospital. 'Di ko alam kung magpapasalamat bah ako dahil sa agarang pag-asikaso ng mga nurses at doctor sa kapatid ko. Nanginginig ang dugoan kong kamay at bibig habang naglalakad rito at doon.

  

I immediately hugged my mother when she ran to me. "Don't blame yourself, don't blame yourself, sweetie... shhhh..." binulong niya 'yon sa tenga ko at saka hinalikan ang noo ko. Umiyak ako sa balikat niya at mabilis niyang hinagod ang likod ko. "Shhhh... Mosh will be fine, don't worry." pampalubag- loob na sabi niya. 

Umiling ako. "Mommy... bakit ngayon ka lang? B-bakit ngayon ka lang dumating?" umiiyak kong sumbat, natigilan siya sa paghagod sa likod kaya mas lalo akong napaiyak.

She suddenly caressed my cheeks. "Mae, I'm sorry if ngayon lang dumating si Mommy ha? Patawad kung ngayon lang ako dumating... patawad..." nagsisimula na rin siyang umiyak kaya niyakap ko siya nang napakahigpit.

You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon