Forty- Seven

1.1K 29 0
                                    

Chapter 47.

Pets.


Lumipas ang dalawang oras at ang sayawan namin ni Kathlyn ay nagiging lasing na. Bigla kaming kinabahan nang may lumapit sa amin na matangkad na lalaki na may singkit na mata, nakatitig kay Therese.


"Oops! My husband is picking me up! Hii hubby!" halatang lasing na lasing na si Therese sa sitwasyon niya dahil ang gulo na ng buhok.


"Tsk, I told you not to drink too much alcohol. Let's go home," napaawang ang bibig ko nang marinig kung gaano kalamig ang boses ng asawa ni Therese. He was about to pull his wife out of our place when his wife stopped him.


"Pakilala ka na muna sa kanila! Please?" walang nagawa ang gwapo niyang asawa kundi ang magpakilala sa amin.


"Takoda Yuuji Fukuda, it's nice to meet you two but not this kind of place." tipid siyang ngumiti saka inabot ang malaking kamay sa amin. Ako ang unang nagtanggap, sunod naman si Kathlyn kung hindi ko siya siniko. "Iuuwi ko na ang asawa ko, is it okay with you girls?"


"Oh! Sure sure! Ingat ka Therese! Kita nalang tayo ulit if you have time!" lasing kaming kinawayan ni Therese at natauhan lang siya nung bigla siyang binuhat ng asawa into a bridal style.


Nagpatuloy ang kasiyahan at ininom ko naman ang gin na sinubo sa akin ni Kathlyn. Nagsayawan ulit kami at natatawa na sa mga pinanggagawa naming dalawa. Halos matumba ako sa kinatatayuan nang may bumunggo sa akin na lalaki na sinadya ang pagbunggo sa akin. Anak ng?!


"What the hell is wrong with you, Felix?!" lasing man ay kilala ko kung sino ang nasa harapan ko. Seryuso niya akong tiningnan.


"Hoy hoy hoy! Hoy totoy! Ginagawa mo sa kaibigan ko?! Iwan mo na nga kami rito! Panira ka ah?!" Kathlyn was about to push Felix pero hindi siya hinayaan nito. Marahas niyang hinila si Kathlyn at napaawang ang bibig ko nang mapansin kung gaano kagalit ang mata ni Felix. Oh my gosh, he is mad!


"Drinking too much alcohol is not good," nang- aaral ang boses ni Felix nang sabihin iyon.


Ngumuso si Kathlyn. "Ano namang pakialam mo doon?! Nagkakasiyahan lang naman kaming dalawa ni Yza rito! Nangingialam ka naman!" sagot ni Kathlyn na kulang nalang ay matutumba na talaga.


I gasped for an air when someone caressed my buttocks and snaked his arms around my waist. "Let's go home, you smell like an alcohol." nahigit ko ang sariling hininga nang maramdaman ang napakainit niyang paghinga sa tenga ko. Paglingon ko pabalik kila Kathlyn ay hinihila na ito ni Felix palayo sa dancefloor.


My mind was dumbfounded at ang bilis ng pangyayari. Nakasakay na ako sa kotse ni Kailean at napakainit na ng buong katawan. We drank alot of bacardi at pagkatapos 'nun ay mojito at gin.


Lasing na lasing akong binuhat ni Kailean sa... bakit sa isang subdivision niya ako dinala? Oh? He is living here? Since when?


Nakapikit man ang mga mata ay ngiti-ngiti ko namang siniksik ang sariling mukha sa dibdib niya. Nang makapasok sa medyo may kalakihan na bahay niya ay ibinaba niya ako pero bago niya pa ako mapakawalan... I tiptoed to kiss him very soft and smooth.

 

'Di niya tinugonan ang halik ko kaya inabot ko ang batok niya para mas lalo pa siyang mahalikan. Bigla niya akong tinulak.


"Fvck! Stop it! You have a boyfriend for goodness sake, Vaeda!" parang kulog ang boses niya nung sabihin 'yon.


I playfully smiled and caressed his cheeks. "Ohh... I don't have a boyfriend  baby... and I don't feel like having a boyfriend if it's not you..." nakangiti pero lasing na lasing na saad ko.


You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon