Two

3.2K 94 10
                                    

Chapter 02.

Shameful.






Alam kong may naririnig akong mga alitaptap na nagtatawanan ngayon sa buong silid at natigil lang 'yon nang may hinihingal na lalaking bumukas ng pinto. Nakakahiya ka, Vaeda. Nakakahiya ka!





"Sir Darcy! Pinapahanap na po kayooo! Hali na!" natuop sa kinatatayuan si sir Darcy nang marinig ang isinigaw ng pawisang lalaki.






"Okay mr. Viornole, ikaw na ang bahala sa klase... uhhh hahahaha! Babye class!Kita nalang tayo next week! Mwuah," ilang niya akong tiningnan sa mga mata bago lumabas kasama ang lalaking tumawag sa kaniya. I blinked twice to prove these things is just a delusion.







Bumalik na sa upuan si Kathlyn habang nagpipigil sa tawa niya. Seryuso pa 'din akong tinitingnan ng Kuya slash substitute teacher namin ngayon. Pinikit ko ang mga mata para huminga nang malalim at makapag- isip ng matino sa upuan ko. Naramdaman ko ang paghawak sa'kin ni Faith sa braso at nagtatanong akong tiningnan. Napabuntong- hininga nalang ako at iniwas ang tingin.







Para akong tangang nakatingin sa mga paa ko. Tumikhim ang lalaking nasa harap namin.








"Let's start our discussion, I am Kailean Viornole. You can call me sir Kyle or sir Liam, anything you want to call me. Nice to meet you everyone," looks like hindi siya sincere sa mga pinagsasabi niya dahil napakalamig ng boses ay napakaseryuso niya magsalita!








Anong 'nice to meet you'?! Hindi nga siya sincere!








Nagsimula nga si sir Kyle sa pagsulat sa white board para sa mga panibagong lesson namin. Minsan ay napapasulyap siya sa'kin at ngumingisi ng sarkastiko! Nanadya siya! Huminga ako nang malalim bago nagsimulang magsulat sa notebook.





Science ang subject na dinadala ni sir Darcy kaya Science rin sa gunggong. I don't know kung ano ang gagawin ko lalo na at ngayon, tinitigan niya na ako at parang papatayin gamit ang pagtitig. Kumalma ka, Vaeda. Kalma lang, kakagatin mo rin naman siya mamaya! Humanda lang talaga siya! Kinakalaban niya ang isang Vaeda Mae Yzabelle!









Kahit bored na bored sa klase niya ay nanatili pa rin akong nakikinig at nagsusulat ng notes. Hindi bah niya maramdaman na masyado siyang seryuso at dapat marunong siyang gumamit ng salitang entertain!









"Yza, pwede pa- copy?" napatalon ako sa biglaang paglapit sa'kin ni Alexes.








"Uhhh... Oo naman! Sure! Ito oh, tapos naman na ako." I smiled, kumuha siya ng upuan para tumabi sa akin at nagsimula nang kopyahin ang sinulat ko.








Sinulyapan ko ang harap at ngayon ay abala na siya sa pagbabasa. Mukhang naramdaman niya ang pagsulyap ko dahil ngumisi siya saka ako tiningnan para sulyapan rin. Kung may bulkan lang sana ang tuktok ng ulo ko, kanina pa ito sumabog!







Ano bah Yza?! Bakit mo bah pinoproblema ang lalaking 'yan?! Wala ka nang pakialam kung gaganiyanin ka niya!










Huminga ulit ako nang malalim at pinagtuonan nalang ng pansin si Alexes na ang cute tingnan na nagsusulat. Maputi, medyo matangos ang ilong, magkapareha lang kami ng height at para siyang si snow white kung mapula ang labi niya.









"Uhmm Yza, what's this?" tanong niya bigla, tiningnan ko ang tinuro niya.









"Ahhh 'yan? Circulatory..." tumango nalang siya at nginitian ako kaya balik na naman ako sa pag- iisip ng kung anu- anong bagay. Dahil sa  pagiging bothered ko, para nang mga tanga ang  letrang sinulat ko!









You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon