Chapter 22.
Kakayanin.
Lord please... iligtas niyo po si Kailean, sana magiging maayos lang siya. Nagmamakaawa po ako sa inyo, tulongan niyo po ang mga doctor na umasikaso sa kaniya. Nakikiusap ako... please.
Tahimik ko 'yong ipinagdarasal habang pikit ang matang nakayuko na nakaupo sa bench malapit sa ER kung saan dinala si Kailean. Kanina pa ako humihikbi at pilit na pinapatahimik ang sarili pero hindi ko talaga magawa, gulat at natakot ako sa nangyari.
May bahid pa rin ng dugo ang damit at kamay ko. Ayaw ko pang magpaasikaso sa mga nurses sa takot na baka kasapi sila sa mga kalaban namin. Napaiyak ulit ako sa naisip.
Bakit bah nang dahil lang sa akin? Nandamay na sila?
Alam kong para sa akin ang bala na nabaril sa katawan ni Kailean at dahil sa mabilis ng pakiramdam ng lalaking 'yon, ginawa niyang shield ang sarili niya para hindi ako mabaril. Si Ate Zella at Vaiden lang ang kasama ko ngayon, ang alam ko ay nagwawala na si Kathlyn kaya minabuti ni Kuya Cohen at Kuya Mon na ilayo na muna siya sa mga tao.
Isang oras na ang lumipas pero wala pa ring lumalabas na doctor sa emergency room. Umupo sa tabi ko si Vaiden para tapikin ang likod ko.
"Ate... tahan na... Kuya Dash will be fine, he's strong." pampalubag- loob na sambit niya.
Luhaan ko siyang tiningnan. "Paano ako tatahan, Vaiden? K- kasalanan ko kung bakit siya n- nabaril... hindi ko kayang pakalmahin ang sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit nabaril si K- Kailean..." niyakap niya ako.
"Shhh... he protected you, Kuya Dash just want to protect you and he really did. Hindi mo kasalanan, it's their fault kung bakit nabaril si Kuya Dash..." saad niya.
"P- pero--"
Sumabat na si Ate Zella. "Yashniel is right, Yzabelle. Don't blame yourself... I wasn't thinking na mangyayari 'to. God... Kailean is a strong man, okay? You don't have to worry..." nahihirapan man ay sinabi pa rin 'yon ni Ate Zella nang kalmado habang pinapatpat ang ulo ko.
"B- bakit sila ganoon, Ate? P- pwede naman nilang huwag na nilang gawin ang bagay na 'to..." puno ng pait na tanong ko, napabuntong- hininga si Ate.
"Just like what I said, makitid ang utak nila Yzabelle and I don't know what to feel anymore kung may magyayaring masama kay Kailean. I could kill them if that happens..." sumeryuso ang boses niya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.
"Ate Zella, the doctor already went out," mabilis pa sa hangin akong napatayo at para nang tatakbo palapit sa doctor na may suot na salamin.
Gusto ko na sanang magsalita pero natuop ko ang sariling bibig nang mapansin kung gaano kasama ang pagtingin ng doctor sa akin. Parang kaedad lang siya ni Daddy... Bakit ganiyan siya makatingin sa akin? May problema bah?
"Tito... kamusta si Kailean?" natigilan ako sa tinawag ni Ate Zella sa kaniya.
Bumuntong- hininga 'yung doctor saka bumaling kay Ate at Vaiden, hinayaan niya akong nakaawang ang bibig habang titig na titig sa kaniya. Para siyang may galit sa akin...
"Liam is already fine, nakuha na ang bala malapit sa spinal cord and we really have to thank God na hindi siya nabaril sa cord or he'll have a traumatic injury so nothing to worry, Mariella. Sa ngayon," sinulyapan niya ako saglit. "Nagpapahinga pa siya ngayon and later on, ita- transfer na siya ng room..." dagdag niya.
"Gosh... Thank you very much, Tito. Hindi namin alam kung ano ang gagawin kung wala ka..." si Ate Zella.
Tumikhim ang doctor. "Mabuti nalang at mabilis niyong nadala rito si Liam and anyways, Yashniel?" tawag niya sa kapatid ko. Humakbang naman palapit si Vaiden sa kaniya.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomancePublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...