Twenty- Five

1.1K 25 0
                                    

Chapter 25.

Tumabi.

Lumipas ang tatlong araw ay lalabas na ng hospital si Kailean, ibig sabihin no'n ay hindi siya pumasok sa eskwelahan niya dahil nga nasa hospital pa siya. Patapos na rin kasi ang pagiging substitute niya lalo na at palapit na ang pasko, maybe next year ay focus na siya sa pag- aaral.

Meron bang ganoon?
  

Sa nagdaang araw ay mas naging maingat kami ni Vaiden at Kathlyn sa loob ng school kasama si Essena. Wala namang nangyaring masama pero sabi ni Ate Zella, kailangan pa rin naming mag- ingat dahil hindi namin alam na baka nasa paligid- ligid lang ang kalaban namin.

Malapit na ang christmas party ng school namin at hindi na nagkukumiyaw sa excitement si Kathlyn dahil magsusuot na naman siya ng sexy outfit sa araw na 'yon. Ayos para sa kaniya dahil may plano na siyang isusuot, baka kurtina lang isusuot ko nun.

Tungkol sa babaeng kakabalik pa lang ng Pilipinas. Her name was Felicidad el Savero or in short, Felicy. Maganda siya at dalawang taon lang ang agwat namin sa edad. Matangkad at morena ang balat. Unang kita ko sa kaniya ay sa restaurant ni Kuya Cohen dahil doon ginanap ang welcome back party niya.

Ako ang una niyang niyakap nang hindi inaasahan. Mabait siya sa unang impresyon ko sa kaniya at pakiramdam ko, magkakamabutihan kami.

Ayos na sana pero... ibang- iba ang tingin ni Kailean sa kaniya noong makita siya nito sa hospital. Para kasing may namamagitan sa kanilang dalawa na sila lang ang nakakaalam. Oo na, nagseselos ako. 'Di ko lang pinapahalata sa kanila.

Nasa kotse ako ngayon, naghihintay kay Kailean na pumasok and parang nasanay na ata ako sa presensiya ni Ate Felicy.

"How was school, Yzabelle? May assignments bah kayo?" nakangiting tanong niya.

"Wala naman po, Ate... malapit na kasi ang christmas party namin kaya abala na ang teachers sa paghahanda ng mga events," sagot ko. Nasa shotgun seat siya at ako ay nasa likuran.

"Is that so? Hmmm that seems exciting! May isusuot ka na para sa party ninyo? Or wala pa?" umiling ako.

"Wala pa Ate... maghahanap pa ako kung ano ang isusuot ko. Baka bukas." sagot ko, nilingon niya ako at para namang may bituin na dumaan sa mga mata niya dahil saglit itong kumislap nang ngumiti siya.

"Can I come? Can I come with you? I am good in choosing clothes though if you don't know," humagikhik siya. Pansin ko ngang maganda siya manamit at kahit simple ay ginagawa niya ang lahat para maganda siya tingnan.

"Uhhh... sige Ate kung gusto niyo." pumalakpak siya.

"Good! I love that! Sa weekend, pupunta ako sa mansion para sundoin ka. Tell Tito Vandrick okay? Para hindi siya mag- alala sa'yo," tumango ako.

Wala naman na akong masabi kaya tiningnan ko ang labas ng kotse at sa tuwa ko ay nakita ko si Kailean kasama ang driver namin. Suot- suot ang simpleng maong jeans at sweatshirt, parang hindi nabaril si Kailean dahil ang presko niya tingnan. Napawi lang ang ngiti ko nang mapansin kung paano kasaya si Ate Felicy nang makita si Kailean.

Para ngang gusto niyang dito sa lugar ko uupo para katabi niya si Kailean kaya mukhang sinisisi ko tuloy ang sarili ko kung bakit ko pa piniling umupo rito. "Uhhh Ate, pwede tayong magpalit ng lugar gusto mo?" napasinghap si Ate Felicy.

"Really? You want to change places, Yzabelle?! Sure! Sure!" agad niyang binuksan ang pinto at binuksan ko rin ang kabila para doon bumaba at iikot nalang. "Thank you, Yzabelle! I just want to talk to Dash for a while hehe!" hindi ko pinansin ang sinabi ni Ate Felicy at hinintay na makapasok ulit sa kotse.

You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon