Chapter 29.
Buo.
"I am going back to our mansion." pitong mga salita pero bakit? Bakit ang sikip- sikip ng dibdib ko? Hindi ako makahinga nang maayos. 'Di ko makapaniwalang tiningnan si Kailean na hawak- hawak na ang bagahe at sa likod niya ay ang pintoan kung saan dapat siya lalabas.
"A- ano?" wala sa sariling tanong ko at nagsisimula nang magsalubong ang dalawang kilay.
Malalim siyang napabuntong- hininga at malambot akong pinagmasdan. "I am going home now, Vaeda and I am still not sure if I can go back here to stay with you." gulat na gulat ako sa mga narinig.
"J- joke bah 'to?" mapait akong natawa at napawi 'yon nung makita kung gaano kaseryuso ang mukha ni Daddy na nakatingin sa'kin. "H- hinde... hinde siya aalis, Daddy..." nilapitan ko na siya at hinawakan ang kamay. Nanghihina na ang dalawang tuhod ko habang tinitingnan siya.
"The both of you disappointed me, Vaeda. He needs to go home--"
"Bakit? Bakit kailangan niyang umuwi? Maayos naman ang pananatili niya rito ah? Kailean..." bumaling ako sa kaniya pero iniwas niya lang ang paningin sa'kin kaya ganoon nalang ang pagguho at panlulumo ng mundo ko.
"Alam mo kung bakit kailangan niya nang umuwi, Vaeda. Intindihin mo sana ang desisyon ko para sa'yo," nanginginig ang labing tiningnan ko si Daddy. Siya na ang humawi sa kamay niya at tinalikuran kaming lahat para magtungo sa hagdan. Akala ko ay magpapatuloy siya sa paglalakad pero bigla siyang tumigil. "You did a terrible thing that made me really disappointed, Vaeda and I am hoping you knew what that is. Take care in going home, Kailean. Have a safe trip with Danity."
"Daddy! Hinde! Hinde siya uuwi! Daddy please! Pakinggan mo 'ko!" kahit anong lakas ng pagsigaw ko ay hindi ako pinakinggan ng aking ama.
Umiiyak kong tiningnan si Kathlyn na nakaiwas rin ang tingin sa'kin. "I'm sorry Yza... alam kong nakakagulat pero kailangan ni Kuya na gawin ang bagay--" bumalot na sa sistema ko ang galit at pagkagulo ng isipan.
"Para saan?! Para saang bagay?! Wala kaming ginawang mali!" galit na sigaw ko.
Sinalubong bigla ni Lyn ang galit na titig ko sa kaniya gamit ang malamig na tingin niya. "Wala nga bah talaga, Yza? Nabanggit na ni Ate Felicy ang pinag- usapan ninyo sa Papa niya. Wala bah talaga, Yza?" natuop ko ang sariling bibig sa sinabi niya at mas lalo pang lumalim ang paghinga.
"Hinde... masyado pang maaga--"
"Maaga para saan? Maaga na sabihin niya ang katotohanan na ipapahiya mo ang pamilya namin?" galit na ang boses ni Lyn kaya nakaramdam ako ng takot.
"Danity, stop it--" pinutol so Kailean ng kapatid niya.
"Kuya, hindi eh. Alam ko namang ayaw mo siyang pakasalan pero ang plano na pamamahiya niya sa pangalan mo ay hindi na tama! Maling kilos na 'yon eh! Alam mo 'yon kaya dapat nating umuwi at huwag na tayong magbalak na bumalik rito!" pagkatapos magsalita ni Kathlyn ay padabog na siyang lumabas.
Napayuko ako sa kinatatayuan at hindi na alam kung ano ang gagawin. 'Di mapasok sa isipan ko na mabilis na ginawa ni Ate Felicy ang lahat para makumbinse kaagad ang Papa niya. Masyadong hindi kapani- paniwala na dahil sa pag- uusap namin, magkakalayo na kami ni Kailean. Ang lalaking mahal ko... Hindi ko akalain na sa masayang gala namin kanina kasama ang kapatid niya, iyon na pala ang huli naming pagsasama.
"Goodbye, Vaeda. Please take care of yourself... always--" mabilis akong tumakbo palapit kay Kailean pero huli na dahil nahawakan na ako ng gwardiya namin.
"Bitawan niyo ako! Pakiusap!" pagpupumiglas ko pero hindi sila nakinig, umiiyak kong tiningnan si Kailean at nakita ko pa siyang akmang lalapitan ako pero pinigilan niya ang sarili. "Hinde! Hindi ka aalis! Kailean! Please! Please please please! I am so sorry... kung ano man ang nagawa ko, patawarin mo 'ko! Please just stay here beside me..."
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomancePublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...