Forty- Six

1.1K 28 1
                                    

Chapter 46.

Speaking.


"Oh... I am really sorry... miss?" tanong ni Ma'am Hannah.


"Uhhh... Vaeda, Ma'am!" agaran kong sagot na ikinangiti naman niya. I noticed a big bump on her stomach, she's pregnant. "G-good morning po!" nagulat siya.


Natawa siya. "Hmmm good morning! I just want to apologize how naughty my daughter is, pagpasensiyahan mo na si Yannise sa pagbunggo sa'yo," inosente akong tiningnan ni Yannise at nung matingnan siya ay napahagikgik siyang nagtago sa leeg ng Daddy niya.


Ramdam na ramdam ko talaga ang kaba ko lalo na noong tumikhim si Sir Michael or they call him Kael for short. I smiled at him. "Join us for breakfast, Miss Vaeda for our apology." nakangiting aya niya.


Tatanggapin ko bah? Diyosko Vaeda! Ang blessing na mismo ang lumapit sa'yo! Ba't tatanggi ka pa?


Nilingon ko ang table nila Kathlyn at nakita ko siyang sinesenyasan ko na ituloy ang gagawin ko so I smiled to sir Kael. "Sure Sir! I would love to join your family for breakfast!" malaking- malaki talaga ang ngiting sabi ko. I was stunned when their son held my hand gently and pulled me to them.


Umupo kami sa isang table na good for six persons at tiningnan naman ako nang mabuti ni ma'am Hannah. "I can see that kilala mo na kami, Miss Vaeda." agad akong tumango.


"Yes Ma'am! Your company is very well- known in real estate and engineering industry," she softly chuckled. "And later po ay I am planning to apply myself as an architect to your company..." nahihiyang dagdag ko, I saw how her face shocked.


"Oh really?" she asked while her mouth was formed an 'o', I nodded. "May I know in what university you graduated?" makahulugang tanong niya.


And our conversation went on. I told her na I took architecture in Spain and she was amazed dahil madalang lang ang mga architect nila sa company na galing ibang bansa. Sir Kael would also want an architect na galing abroad so he will expect my presence later for my first interview.


I have the hopes already dahil sa mga comment nila kaya todo-todo na ang pabida ko sa pagiging isa sa mga passers sa board exam. Natatawa kong tiningnan si Yannise na gusto atang makisabay sa usapan namin.


"Oh! I almost forgot to introduce my children," she tapped her son's forehead na katabi lang niya. "Meet my first borns Yaro Veleir Celestar and Yannise Val Celestar, as you can see. They are twins." nakangiti akong tumango-tango.


"Hiii Yaro, Yannise!" Yannise cutely waved her hand at me habang si Yaro ay tipid lang akong nginitian. "How old are they, ma'am?" magiliw na tanong ko.


"Turning one next month, we were surprised that the both of them knew how to walk already right baby? Right baby," doon na natawa si Yaro sa pangingiliti ng Mommy niya.


Nginitian ako ni sir Kael. "And as you can see, may baby number 3 na naman kami." tumango ako at natawa naman si ma'am Hannah. May pinag-usapan pa kaming ibang bagay at personal ipinakilala ang sarili ko, pati na ang parents ko hanggang sa dumating ang in-order naming pagkain.


Marami silang tanong at agad ko namang sinasagot, I wanted them to feel comfortable to my presence at nagawa ko naman nang mabuti! I felt so proud to myself lalo na noong kinindatan ako ni Yannise at ng Mommy niya matapos kaming kumain ng agahan. I let out a large breathe after waving my hands to their car leaving.


"Halatang masaya ah?" bumalik na ata ang totoong Kathlyn sa pagiging chismosa at mahilig makipag-asar. "Hoy! Sagutin mo nga ako," ngumuso siya.


You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon