Eighteen

1.1K 30 1
                                    

Author's Note:

I don't know why but I just want to tell myself congratulations!

Charot!

Happy reading fieras!

Chapter 18.

Jealous.




Naglalakad sa isang mahabang hallway na hindi ko alam kung saan na ito papunta. Masyadong malaking bahay 'tong pinuntahan namin-- hindi! Kakaibang mansion na ang sobrang ganda ng pagkakadesinyo. Halatang mamahalin ang ginamit na mga materyales.







"Malapit na tayo hehehe," imporma ni Kathlyn habang nakapamulsa sa itim na pajamas niya, bumaling siya sa'kin. "Parang kinakabahan ka ah?"









"H- hindi ah... ayos lang ako," tanggi ko, tinaasan niya ako ng kilay.








"'Di ko akalain na maganda pala ang legs mo, Yza. Parang hindi ka natikman ng mga langgam ah? Baka sa lamok, hindi rin?" sinuyod niya pa ng tingin ang hita ko.









Nakashorts kasi ako at sabi ni Vaiden na kailangan ko raw magsuot ng fit na damit kaya napagdesisyunan kong magsports- bra nalang at shorts. Buti nalang at may oversized jacket ako kaya 'yon ang ginamit ko pantakip sa balat ko.








"Hindi naman masyado, Lyn... namamalikmata ka lang." tanggi ko na naman sa sinabi niya, tunog lang siyang tumawa at unang naglakad.








"Ate Danity is telling the truth, Ate. Even though you are not that long legged like her, you still have a nice legs!" sumabat naman ang kapatid ko na ang suot ay simpleng shorts lang at T- shirt. Pinaniwala niya lang ako na kailangan fit ang isusuot namin kahit pwede namang iba nalang!








"Tumahimik ka nalang kasing kulangot ka!" asik ko, napanguso siya kaya binatukan ko.









Napasulyap ako saglit sa likuran namin. Nakita ko doon si Kailean na seryuso lang na naglalakad kasunod sa amin, hawak niya ang cellphone niya sa tenga. Seryusong- seryuso siya habang nagsasalita.










"Nandito na tayo! Wohooo!" agad akong bumaling pabalik kay Kathlyn na may malaking ngiti na sa labi.









Kumurap- kurap ako. "Don't be nervous, Ate. Mabait ang magtuturo sa'yo." pampalubag- loob na bulong ni Vaiden sa akin.









Aaminin kong kinakabahan talaga ako kanina pa, pagkagising! 'Di ko maintindihan ang nararamdaman ko basta ang alam ko, kinakabahan ako nang todo- todo! Huminga ako nang malalim at wirdong nginitian ang kapatid ko.






Binuksan na ni Kathlyn ang pinto at akala ko itutuloy niya pero binitin niya ako.








"Sabihin mo nga sa'kin ang totoo! Excited ka bah? O kinakabahan?" ano bang pinagsasabi niya? Baka may balak siya na hindi ko magugustohan!








Akma na sana akong sasagot pero atat na atat na si Vaiden. "Ugh! Just open the door Ate Danity, pinapatagal mo pa! We're waiting!" reklamo niya, nginiwian lang siya ni Kathlyn at inirapan.







"Fine! Here we go!" binuksan niya na talaga ang malaking pinto sa harap namin. "Welcome! To our training area! Wohooo! Enjoy the view ebrebadi!" parang tangang sigaw ni Kathlyn.








Napanganga ako sa nakikita. Totoo bah 'to? Diyosko! Sabihin niyo sa'kin na nanaginip lang ako ngayon!







Ang laki- laki ng kwarto at nakita ko pa ang red mat na halos takpan na ang buong sahig ng kwarto! Parang mawawalan ako ng balanse nang may makita akong mga nagtutulisang kutsilyo o espada na naka- display sa pader!








You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon