Twenty- Three

1.1K 32 0
                                    

Chapter 23.

Side.


"Eto suotin mo 'to," saad ni Kathlyn at tinapon sa akin ang isang short at malaking T- shirt niya. Ang akala ko kasi ay iuuwi niya ako sa bahay namin pero dumiretso kami sa bahay nila na mas malaki pa kaysa sa amin.



"Hindi tayo kapareho ng size kaya maluwag sa akin 'yan--" napatigil ako sa pagsasalita nang ipakita niya sa akin ang itim na sinturon. Wala na talaga akong choice...


"Susuotin mo 'to o susuotin mo 'to?" sarkastikong tanong niya kaya napanguso ako, masyado kasi siyang seryuso. "Huwag na matigas ang ulo, Yza. Bibili pa tayo ng makakain nila Mommy at ng Daddy mo, naiintindihan mo?" buntong- hininga akong tumango at kinuha ang damit na binigay niya.


'Di ko alam pero parang panlalaki ang designs ng kwarto ni Kathlyn. Puro gray ang nakikita mo at kung hindi naman gray, puti naman ang makikita mo. Mabango rin at maayos ang pagkaka- arrange ng mga bookshelves sa gilid. Mahilig rin pala siya sa libro? Ang weird. May anime posters rin siya sa isang side at ang ilan doon ay napanood ko na.

Tiim lang akong tinitigan ni Lyn, hinihintay na pumasok ako sa sariling banyo niya. Pagkapasok ko sa banyo ay halos mabuwal na ang mata ko sa nakita, ang laki! Napakalaki ng banyo niya! May hugis bilog na tub sa gilid at sa kabilang gilid ay ang shower naman.


"Be faster, ayokong maghintay dito na parang tanga." para akong dagang napatalon sa biglaang pagkatok nang malakas ni Kathlyn kaya minadali ko ang pagbihis.


Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Kathlyn na may katawag sa cellphone niya. Nagdadalawang- isip pa ako kung iistorbohin ko bah siya pero 'wag nalang, bastos na ata ako kapag ganoon. Lumingon siya sa'kin saka doon na binaba ang tawag.


"Dadalhin ko ang damit-" mariin ko na namang pinikit ang mata ko nang pinutol niya na naman ako.


"Ilagay mo sa dirty laundry, isasauli ko nalang 'yan sa iyo kapag may oras." nakanguso ko ngang nilagay ang damit kong may bahid ng dugo kanina. "Tara na, nagtataka na ang Daddy mo kung bakit tayo natatagalan." tumango ako.


Lumabas kami ng kwarto niya at nakasunod lang sa kaniya. Ang laki- laki talaga ng bahay nila at sa nakikita ko, maraming bakanteng kwarto at ang nagpapaagaw talaga sa pansin mo ay ang whole family frame painting nila. Napatigil ako saglit para matingnan na naman ito ulit.


Si Tito Dominic at Tita Nikki ang nakaupo sa pandalawahang sofa. Si Kailean ang nasa side ni Tita Nikki at sa side ni Tito Dominic ay si Kathlyn. Akala ko ay dapat colorful ang mga paintings pero sila ata ang una kong nakitang nakaitim. Para silang mga professional models na napaka- fierce, si Tita Nikki lang ang nakangiti sa kanilang apat na nakasuot ng black formal dress. Nakasuot ng tuxedo ang dalawang lalaki at hindi ko inaasahang magsusuot ng sexy fit dress si Kathlyn na may itim ring gloves sa dalawang kamay.


Napakaganda ng pamilya nila...



"Tutunganga nalang tayo nito ano?" napatalon ako nang marinig ang boses ni Kathlyn, nakatitig rin siya sa painting nila katabi ko!


"S- sorry!" sumilay ang ngiti sa labi niya.


"This painting was taken last year, ang ganda ko 'dyan 'di bah?" agad akong tumango sa tanong niya, natawa siya. "Tara na nga! Baka nabaliw na ang dalawang lalaki kakahanap sa atin!" hinablot niya bigla ang palapulsuhan ko at hinila pababa ng hagdan.



Sinigaw niya pa sa mayordoma nila na aalis na kami at sinabihan naman kami na mag- ingat. Pagkalabas ay dumiretso kami sa kotseng naghihintay sa amin at nagtungo sa restaurant, nagpa- reserve na si Kathlyn kaya kinuha nalang niya ito habang naghihintay ako sa loob ng kotse. Malapit lang ang restaurant sa hospital kaya mabilis kaming nakarating.



You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon