Forty

1.3K 29 0
                                    

Chapter 40.

Mabuti.


"I can help, Ate... and I want to help," pinasandal ko ang ulo ni Vaiden sa balikat ko dahil sa pag- iyak niya na parang bata. Marahan kong hinaplos ang buhok niya para patahanin.


"Shhhh... sundin nalang natin ang plano ng Ate Danity mo, huwag na matigas ang ulo, naiintindihan mo?" 'di ako nakatanggap ng sagot kaya napabuntong- hininga ako sa pagkadismaya. "Vaiden naman... hindi rin kagustohan ni Daddy na isali ka namin," suminghot siya.


"But he said I should protect you at all cost... why don't you let me join the mission?" paano bah 'to? Paano ko bah makukumbinse ang sariling kapatid ko? Wala na akong maisip na pwede kong masabi sa kaniya.


Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal nito si Kailean na nag-aalala rin para sa kapatid ko. Sumunod sa kaniya si Kassandra na patapos na sa paghikbi, si Vaiden nalang talaga ang hindi tumatahimik. Tumayo sa harap ko si Kailean saka ginulo ang buhok ni Vaiden, malungkot ko siyang nginitian.



"You want to sleep here, kiddo?" maingat na tanong niya. Hikbi lang ang naitugon ng kapatid ko.


"He will sleep beside me," ako na mismo ang sumagot para hindi na magtanong si Kailean. Si Kassandra naman ngayon ang lumapit sa amin saka tinapik ang balikat ni Vaiden.


"Kuya Yashniel, sana magiging okay ka na bukas... uuwi na kami ha? Sasabihan ko nalang si Tito tungkol sa plano nila ate Danity," tinanguhan ko si Kass para sabihin na magiging maayos si Vaiden. "See you around, Ate Yzabelle, Kuya Dash... have a goodnight po sa inyong dalawa." huling sabi niya saka lumabas na siya.


"Mag- ingat ka, Kass..." saad ko bago siya makalabas.


Tumayo ako para hawakan ang dalawang pisngi ni Vaiden. "You should sleep now, hmmm?" umiling siya kaya napabuntong- hininga na naman ako. "Vaiden please, matulog na tayong dalawa." pagmamakaawa ko na.


Hinawakan bigla ni Kailean ang balikat ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Hayaan na muna natin siya makapag-isip, we know that your brother is a smart guy. Now come here, lalabas na muna tayo," bulong niya sa'kin.


"Fine..." malamya kaming lumabas at agad akong umupo sa sofa at napasapo sa noo ko.


Gusto kong tawagan si Daddy ngayon pero sa kabilang banda ay mas gusto kong hintayin ang tawag niya. Many questions went inside to my head tungkol sa usapan kanina nila Kathlyn na hindi namin narinig. Bakit si Vaiden na naman ang next target? Ano bah sa kanila kapag mapapatay nila ang isa sa amin? Nagagalit na ako!


Sa susunod na linggo namin gagawin ang misyon dahil ang sabi ni Felix, nagbabanta ang mga kalaban na kapag hindi kami pumunta sa lugar nila ay aasahan raw namin ang biglaang pag-atake nila. Bobo na kung isipin pero mas gusto kong sila na ang umatake.


Panay ang pagbuntong- hininga ko at napatingin kay Kailean na may dala nang lata ng beer. Tinaasan ko siya ng kilay. "Iinom ka?" obvious naman na ata, Vaeda? Ba't nagtatanong ka pa? Talino mo rin 'noh?


"Tayo, iinom tayong dalawa." napangiwi ako sa sinabi niya. "Why? You don't drink?" inosenteng tanong niya.


"No kaya nga fresh milk ang binili ko hindi bah?" sarkastikong tanong ko pabalik.


A smile suddenly crept into his lips. "Does it mean hindi ka pa nakakapunta sa mga bar?" asar na tanong niya, umirap ako kaya doon niya nakuha ang sagot. "Awww, still innocent as ever hmmm? Buti naman at hindi sumama sa'yo si Mariella doon." nginiwian ko siya at inirapan na naman.


You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon