Four

2.7K 71 21
                                    

Chapter 04.

Princess.







Lutang sa kawalan akong naglakad patungo sa kwarto. Hindi maproseso ng sariling utak ko ang sinabi ni Daddy kanina, parang... Hindi! Hindi mangyayari ang bagay na 'yon, hindi ako magpapakasal sa isang lalaking gaya niya dahil manyakis siya! Manyakis!







Hindi bah nakikita ni Daddy 'yon?!







He is too old for me! Teka-- ilang taon na bah siya talaga? How old is that perverted guy by the way? Naalala ko bigla ang sinabi ni Kathlyn kanina.






Turning 20! Oh! Bente na siya! Kinse pa lang ako! Hindi bah child abuse ang bagay na 'yon? Bakit parang lumalapit sa akin ang malas sa buhay kong 'to? What if, itutuloy talaga ni Daddy ang pagpapakasal ko kay sir Kyle? Diyosko! Hindi ko kakayanin!






Iniisip ko palang, nasusuka na ako!






Mabilis akong nakahiga sa kama at pinilit na pinikit ang mga mata ko, huminga ako nang malalim at bumangon na naman para tingnan ang librong na- publish ni sir Kyle. Bakit ko bah siya tinatawag na 'sir'?! I don't respect pervert guys! Buting manong nalang ang itatawag ko.







'Flaws'







Title 'yon ng libro at dahil maganda ang synopsis, binili ko. Walang pasabing tinapon ko 'yon nang malakas malapit sa cabinet kaya nakagawa 'yon ng tunog. 'Di ko alam kung saan ko nakukuha ang galit na nararamdaman ko but the insides of my mind is really explosive if I will think about that pervert!








"Manyak!" sigaw ko at tumayo na para magbihis at maghilam- os ng mukha.








Ngumuso ako nang makita ang reflection sa salamin, hindi naman mahaba ang buhok ko pero maganda ako tingnan dahil medyo may pagkakulot ang ilang strands. Matangos rin ang ilong ko! At maganda ako! Gusto ko lang i- appreciate kagandahan ko 'noh!







Habang nagtotoothbrush ay para akong tangang ngumingiti para tingnan kung anong smile ang bagay sa akin. Masyado lang talaga akong iritado dahil sa huli, nakasimangot ako.








"Knock knock!" boses ni Essena ang narinig ko sa likod ng pintoan kaya dumiretso ako doon para pagbuksan siya, may dala siyang kung anong bagay na hindi ko alam kung para saan. Nakangiti siya at totoo 'yon. Buti pa siya, walang pinoproblema.








"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko.








Nilahad niya sa akin ang dala niya, it's a sketchbook? "Sabi ng Daddy mo, napapansin niyang mahilig kang mag- drawing kaya ayan! Binili niya raw 'yan kanina, nakalimutan lang na ibigay sa'yo." sagot niya. Napatingin ako sa hawak ko at dahan- dahang tiningnan si Essena.







"Si Daddy talaga..." mahinang saad ko, sinakbit bigla ni Essena ang braso niya sa akin para hilahin ako sa kama.









"May narinig akong chismis kanina ah? Sa Lunes pa raw ito nangyari, tinawag mo raw ng malalaswang salita ang bagong substitute teacher ng Science subject natin?" umiwas ako ng tingin. Paano bah 'to? Akala ko bah nasabi na ni Kathlyn sa kaniya? Ang babaeng talagang 'yon!









"Huwag na natin pag- usapan, sumasakit ulo ko." saad ko at bigla siyang napatayo.








"Hala! Gusto mo ng gamot? Kukuha ako sa kusina," umiling ako. Slow rin minsan si Essena, bakit bah? Umupo siya ulit sa harap ko at ngumuso. "Buti naman! Pero maiba ako! Ang gwapo ni sir Kailean 'noh? Mas gusto ko siya tawagin na Kailean kasi ang cute ng pangalan niya," napangiwi ako at napairap sa kawalan.







You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon