Chapter 12.
Plano.
Puting ilaw at puting kisame ang bumungad sa paningin ko nang magising, hindi ko pa masyadong maigalaw ang katawan at leeg ko kaya nahirapan akong alamin kung nasaan ako ngayon.
For sure, wala ako sa kwarto ko.
Napangiwi ako sa sakit ng leeg nang pinilit ko ang sariling bumaling sa kanang gawi ng silid. Nakita ko doon si Kathlyn na walang pakialam na umiinom ng juice in straw, may burger pa nga siyang kinakain sa kabilang kamay niya. Napansin niya ata ang pagkagising ko dahil napatayo siya.
"N- nasaan ako? Bakit puro p- puti ang nakikita ko?" nauutal na tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Nasa Amerika na tayo, tulog ka lang kaya hindi mo napansin--" 'di ko siya pinatapos sa sasabihin dahil napabalilwas ako sa pagbangon.
"Ano?! Amerika?! Diyosko! Nasaan sila Daddy?! Si Vaiden?! Si Essena! Nasaan sila?!" parang butiking natatarantang tanong ko.
Matagal bago siya nakasagot kaya pinanlakihan ko siya ng mata at sa hindi inaasahang... tumawa siya! Pinagtawanan niya ako na para akong clown! Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tiningnan si Kathlyn na kulang nalang ay hihiga sa sahig para doon ipagpatuloy ang pagtawa.
"Can you please shut up for once, Danity? You are freaking her out." mabilis akong napalingon sa kaliwang bahagi ng kwarto.
Nakita ko si Kailean na nakakrus ang dalawang braso at nakatayo. Seryuso ang mukha niya pero hindi siya nakatingin sa akin kundi sa kapatid niyang nagpipigil na sa tawa.
"Panira ka naman Kuya eh! Gusto ko lang naman siyang biroin! Panira!" anas ni Kathlyn pero tumatawa.
"And do you think you're doing a good joke?" taas ang isang kilay na tanong niya, doon na natahimik si Kathlyn. 'Di ko na inabalang lumingon sa kaniya dahil abala na ako sa pag- obserba ni Kailean.
Suot niya pa rin ang puting polo at slacks niya pero ang buhok niya ay napakagulo na. Ang hula ko ay oras lang ang itinulog ko. Tanga lang talaga 'tong si Kathlyn, sa Amerika kaagad! Ano ako? May cancer na naghahanap ng donor sa ibang bansa? Sabunotan ko kaya siya pagkababa ko dito?
"How are you feeling?" medyo napaigtad ako sa biglaang pagtanong niya.
'Di ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin. "A- ayos lang... nasaan nga talaga ako ngayon?" ulit ko sa tanong ko kanina, sinulyapan niya saglit ang bintana ng kwarto.
"We're in the hospital, nahimatay ka kanina." saad niya at nakaramdam naman ako ng hiya.
Naalala ko kanina, iyak lang ako nang iyak kasi muntik na akong mapatay ng mga inakala kong kaibigan. Pagkatapos nun ay niyakap ko pa siya at mahigpit na kinurot ang likuran niya. I wonder if nasaktan bah siya sa ginawa ko... pero tapos na 'yon eh, hindi ko na mababago 'yon.
"Grabe ka naman mahimatay, Yza. Dapat bridal style pa ang gawin ni Kuya hahaha imbes na magalit ako sa dalawang babaeng 'yon, kinilig tuloy ako." pang- aasar na ni Kathlyn.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomancePublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...