Prologue.
The Start.
Hinihingal kakataktbo sa malaking kalsada patungo sa aming maliit na bahay. Sinabi ng kapitbahay kong kaklase na nasusunog ang bahay namin kaya ito ako, tumatakbo na parang kabayo para iligtas ang nanay ko.
Anong nangyari?!
Pagkarating ko sa harap ng aming bahay ay ganoon nalang ang panlalamig ng buo kong katawan at panginginig ng tuhod nang makita ang malaking apoy sa harap ko. Napahiyaw ako sa takot nang may mahulog na isang gamit sa loob.
Walang pagdadalawang- isip, pinasok ko ang bahay ay isinigaw ang pangalan ni Mama. "Mama! Mama! Nasaan kayo! Mama! Naririnig niyo bah ako?! Nandito na ang anak niyong si Yzabelle! Mama!" paulit- ulit kong sigaw. May narinig akong tumatawag sa isang kwarto na hindi pa masyadong marami ang apoy.
My mom was diagnosed of having a lung cancer at the age of 36 at dahil hindi na masyado siyang nakakalakad, she's using a wheelchair to help her to walk.
"Yza! Nandito si Mama..." madali akong umubo at pinasok ang kwarto.
"Mama! Anong nangyari?!" gulat na gulat na tanong ko nang tuluyang nakapasok. Napasigaw na naman ako nang may nabasag na antique malapit sa amin ni Mama. Napaiyak na ako sa takot at kaba na baka ito na ang katapusan namin pero hindi dapat ako mawalan ng pag- asa!
Tama! Ito dapat ang itatak ko sa sarili kong utak!
Tinulak ko ang wheelchair ni Mama palabas at papalabas na sana kami nang may matangkad na lalaki ang humarang dala- dala ang isang malaking baril sa hawal niya!
"Sino ka?!" matapang kong sigaw pero hindi sumagot ang lalaki. Hinawakan ni Mama bigla ang kamay ko at mahigpit 'yong pinisil.
"Anak... tumakbo ka na, hayaan mo na si Mama dito..." nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?! Mama! Hindi pwede! Dapat tayong lumabas nang sabay dito! Hindi ka makakahinga nang maayos kapag mananatili ka rito!" sigaw ko. Natigilan ako nang marinig ang marahang paghikbi ng aking nanay, hinarap ko siya at hinawakan niya ang pisngi ko.
"Yza... umalis ka na... tumakbo ka, huwag na huwag kang magpapahabol sa mga lalaking may baril, delikado sila," naguguluhan na ako.
"Mama... anong ibig mong sabihin---" pinutol niya ako.
"Run Vaeda Mae! Run! Umalis ka na! Iligtas mo nang mag- isa ang sarili mo! Takbo ka na!" bigla niya akong tinulak habang umiiyak.
Sa hindi malamang dahilan ay napaiyak na rin ako sa harap ni Mama at pagkalingon ko ay papalapit na sa akin ang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na damit. Kahit may takip ang mukha, alam kong malamig niya akong tinititigan.
"Get her," utos niya sa 'di ko napansin na may kasama pala siya.
Bago pa nila ako mahawakan ay nakatakbo na ako papalabas pero bago nangyari 'yon ay napalingon ako sa gawi ni Mama, para akong mawawala sa sarili nang makita ang sarili kong ina na nakangiti bago siya pinaputokan sa ulo ng isa sa mga lalaki!
"Hindeee!" sigaw ko at akma na sanang babalikan si Mama pero natigil ako nang makitang papalapit na ang mga lalaki sa akin.
Tumakbo ulit ako at walang pinalampas na oras. Kahit masakit na ang tuhod ko sa kakatakbo, tumatakbo pa rin ako. Lakad- takbo ang ginawa ko hanggang sa marating ang madilim na eskinita. Napaupo ako at napaiyak sa sakit dahil wala na ang kaisa- isang pamilya ko! Wala na si Mama! Wala na! Sino na ang tatakbuhan ko ngayon?!
Sino bah ang mga lalaking 'yon?! Sino sila?!
Habang nakaupo sa mabahong eskinita ay patuloy pa rin ang paghagulgol ko. Kinapkap ko ang sarili at napansin na ni- isa, wala akong mga gamit na dala galing sa bahay kundi ang bracelet lang na bigay sa akin ni Mama noong bata ako. Suot ko pa rin ang uniform ng school namin at madungis na ako.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomancePublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...