Nineteen

1.1K 31 1
                                    

Chapter 19.

Cartoon.





Mahigit dalawang oras ang inilaan namin sa pagte- training na puro asaran lang ang naganap. Wala naman akong reklamo sa mga itinuturo ni Ate Zella dahil basics pa lang, magseseryuso na raw siya kapag handa na talaga akong matuto. Ready naman na ako... kinakabahan nga lang.






Kasalukuyan kaming nakaupo at naka- form pa talaga kami ng big circle para masali ang lahat. Same as usual, si Kailean tumabi sa'kin pero ang tahimik naman. Sa kabilang gilid ko ay si Ate Zella na kaunti nalang, mapapatay niya na ang katabi niyang si Kuya Mon.






Ngayon ko lang nalaman na may dalawang kapatid si Daddy at sila ang mga magulang nina Ate Zella at Kuya Cohen. Baka sa susunod na buwan ay magre- reunion na naman ang mga Teodoro lalo na at nagbalik na ako. Ang weird, bakit parang ako pa ata ang dahilan sa pagre- reunion nila?






"Can you please stop pinching my wrist, baby? Sinasaktan mo na 'ko." ngusong reklamo ni Kuya Mon.







"Baby? Are you an idiot? Huwag mo nga akong tawaging ganiyan! Disgusting!" asik ni Ate Zella at pinagpapapalo na naman ang katabi, tinawanan sila ni Kathlyn.





Tipid na ngumisi si Kuya Cohen habang pinagmamasdan ang dalawa. "Stop it, Mariella. Baka magalit 'yan at ako na naman ang pagbubuntongan," tamad na saad niya. Tinaas na naman ni Kuya Mon ang gitnang daliri niya at tinugonan naman 'yon ni Kuya Cohen.






Napakatahimik ko. Alam ko 'yon pero bahala na, komportable naman ako sa pagiging tahimik at pakikinig lang sa usapan ng kasama ko.







"You're so quiet, what's wrong?" mabilis pa sa hangin kong hinawi ang kamay ko nang akma niya sanang hahawakan ito, 'di ko siya tiningnan at umusog palapit kay Ate Zella. Ramdam kong natigilan siya sa ginawa ko, wala naman akong pakialam.





"Oy Yza! Sabihan mo si Essena na may gagawin daw silang project ni Trexie," bumaling nalang ako kay Kathlyn na hawak na ang cellphone niya.








"Huh? Sunday na ngayon tapos ngayon lang sinabi ni Trexie? Paano nila matatapos 'yan nang madalian?" nagtataka at nag- aalalang tanong ko, itinabi niya muna ang cellphone at nagkibit- balikat.






"Sabi ni Trexie, ayaw raw pumunta ni Essena sa bahay nila kaya eto, nag- aalala na si Trexie kung paano gawin mag- isa ang projects nila." bumuntong- hininga ako at medyo na- disappoint sa nalaman.







"Okay sige, sasabihan ko si Essena pagkauwi namin..." tugon ko, tumango siya at nakipag- usap na kay Vaiden.









Nginitian ko si Kuya Cohen nang mapansin na nakatingin siya sa'kin, tinaasan niya ako ng kilay saka ginawaran ng matamis na ngiti pabalik. 'Di ko matingnan si Kailean dahil alam kong nakatitig na siya sa'kin.






Para akong timang na nagtitingin sa pader kung saan hindi ko matitingnan si Kailean. Buti nalang at hindi na siya gumagawa ng paraan para hawakan ako at isa pa sa mga ikinaiinis ko sa kaniya ay ang tigas ng ulo niya.






Matapos kong sabihin sa kaniya kahapon ang pagkagusto ko sa kaniya?







Wala lang! Hindi siya nagsalita at niyakap lang ako, hinayaan niya akong umiyak habang yakap ako patalikod at mga ilang minuto ata ang itinagal bago niya ako iniwan sa kwarto! Alam ko! Maling kilos ang nagawa ko pero 'di ko napigilan eh! Hindi ko na kasalanan 'yon!






You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon