Twenty- Seven

1K 23 0
                                    

Chapter 27.

Understand.

Minsan sa buhay. Kailangan rin pala nating alamin ang salitang 'sakripisyo' lalong- lalo na sa pag- ibig. Hindi ko nga rin alam kung bakit sa ganitong edad ko pa nararamdaman ang bagay na 'to...

"Hindi namin ginusto ang engagement na mangyayari pagtungtong ko ng 18..." nahihirapan ko 'yong sinabi at pinilit ang sariling luha na huwag tumulo. "Nagsasabi ako ng totoo, ayaw na ayaw naming dalawang makasal sa isa't- isa." napakasakit para sa'kin na sabihin 'yon.

Hindi ako makapaniwalang tiningnan ng katabi ko ngayon. Kasalukuyan kaming nasa balkonahe, malayo kila Kailean at Daddy na nagkakasiyahan sa dining area. Habang masaya silang nag- uusap ay kinuha ko na ang oportunidad na hilahin si Ate Felicy papunta rito. Atat na rin akong sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ni Kailean para sa'kin. Bahala na, ito naman ang gusto ni Kailean 'di bah?

"B- but I can see Dashren likes you--"

"Hindi... hindi mangyayari ang bagay na 'yan dahil siya," huminga ako ng maraming hangin at napaiwas ng tingin. "Siya na mismo ang nagsabi na ayaw niya sa isang tulad ko... kaya heto ako, gusto rin siyang tulongan sa plano niya."

"What? Alam mo na bah ang plano niya?" umiling ako. "So how will you help him if you don't know what's his plan?" nag- aalalang tanong niya.

"'Di ko rin alam pero kaniya- kaniya nalang siguro ng kilos?" mapait pa akong tumawa. "Ginawa ko na ang unang plano ko at 'yon ay ang sabihan si Daddy na ayaw ko siyang pakasalan. Nabigo ako pero... hindi ako titigil," nakita ko siyang tumango.

"Right... so what's your next plan then?"

Mariin kong pinikit ang sariling mata at kinagat ang pang- ibabang labi, frustrated na frustrated na. "Sa ngayon, nag- iisip pa ako kung ano ang isusunod kong kilos. Hindi naman kasi nagmamadali si... Kailean,"

Akala ko noong una ay walang hahadlang sa akin tungkol sa pagkagusto ko kay Kailean at masyado lang ata ako naging kampante hanggang sa dumating ang isang Felicidad el Savero. May gusto siya sa taong gusto ko at mas lamang siya sa isang tulad ko. Diyosko Vaeda... kailangan mo talagang isugal ang sarili mo kapag gusto mo talagang maging masaya ang taong gusto mo.

"We need to make it fast as soon as possible Yzabelle because we don't know... na baka magbabago ang isip ng parents ni Dashren at sa birthday niya ikakalat ang tungkol sa engagement ninyo," sumagi kaagad sa isipan ko ang pangyayaring 'yon.

Ilang minuto akong natahimik at 'di nakasagot. Kapag magsasalita ako, parang bubuhos na ang nagbabadyang luha ko sa mata. Napaisip ako sa pagkakaibigan nila ni Kailean.

Nakakainggit...

Childhood friends sila at dahil sa Canada gusto mag- aral ni Ate Felicy para sa kurso niyang tourism kaya nagkahiwalay sila ni Kailean. Napapaisip tuloy ako kung ano ang mga nangyari sa kanila noon. Ang ganda siguro nila tingnan...

Kung napaaga lang ang paghanap nila Daddy sa'kin ay sana nakilala ko pa ng maigi si Kailean pero sinisigurado kong hindi ako ipapakasal sa kaniya, baka 'Kuya' pa ang tawag ko sa kaniya ngayon.

Ewan ko na sa'yo, Vaeda. Mahal mo na talaga siya ano?

"I need to get him from you as fast as I can," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ate Felicy. Nakangiti siya pero seryuso ang mga mata niya. "Dapat magustohan ako ng parents ni Dashren and I am already sure he already liked me," 'di ko maproseso sa utak ko ang mga sinasabi niya.

Hindi nga ako nagkamali... gusto siya ni Kailean at sure pa talaga siya doon.

Tumayo na si Ate Felicy kaya tumayo na rin ako. Niyakap niya ako mang mahigpit. "Thank you for telling me these things, I can really see that you are true to your words. I want to help because si Dashren ang makukuha ko dito, you'll help me right?" hindi ko magawang tumango dahil nakayakap siya sa'kin.

You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon