Chapter 51.
Sino.
"Nakafile ka na ng leave?" tanong ni Kathlyn habang sinisimsim ang kapeng hawak niya, napanguso ako saka napatango. "Kung ganoon, sa bahay ka lang palagi hanggang sa manganak ka?" sinimangutan ko siya at sinubo na rin ang cake.
"May mga schedule naman para sa check-up ko kay Dra. Michelle tungkol sa kalagayan ni baby kaya lalabas ako sa bahay para um attend doon," sagot ko, napangiwi siya at naparap. "Bakit bah ang sungit-sungit mo ata ngayon?" ngiti-ngiti pero nagtatakang tanong ko. Matagal bago siya nakasagot kaya sumubo ulit ako.
"Naiinis lang ako kay Kuya," malungkot na sabi niya. "Walong buwan na siyang hindi bumabalik kaya naiinis ako na 'di ko man lang masabi sa kaniya na buntis ka," mapait akong natawa.
"Hihintayin ko siya, Kathlyn dahil iyon ang sinabi niya. Uuwi siya sa'kin, maghintay lang tayo," biglang lumalim ang paghinga ko at aaminin kong mapapaiyak na talaga ako but I managed not to cry infront of her, baka mag-aalala siya so instead of crying, I widely smiled. "Kaya huwag ka nang mainis sa kaniya okay?"
She nodded. "Oo na pero kung kailangan mo ng tulong ko, tawagan mo lang ang magandang Kathlyn Danity dahil may dala akong swerte!" napasimangot ako pero sa huli ay natawa.
"Three weeks pregnant si Therese 'di bah?" pag-iiba ko sa usapan, nagliwanag ang mga mata niya at excited na tumango.
"Oo! Hinuhulaan ko na ngang babae kahit hindi pa malaki ang tiyan hahaha!" natawa na talaga ako nang tuluyan. "Pero pansin mo? Medyo hindi na nagiging klaro ang relasyon nila ni Yuuji?" masama ko siyang tiningnan.
"Huwag ka ngang praning 'dyan, ayos lang silang dalawa ni Therese. Hintayin nalang natin si Therese na sabihin sa atin ang mga nangyayari sa kanila," umirap siya at napangiti. "Ano namang ngiti 'yan?" taas kilay na tanong ko, ngumisi siya.
"Kung babae man ang anak nila, gusto ko may 'Aiya' sa pangalan ng baby!" kumurapkurap ako.
"Bakit naman?" tanong ko na naman.
"Simula kasi noong magkautak ako, hiniling kong sana Aiya nalang ang ipinangalan ni Mommy sa'kin, ang ganda kasi pakinggan hahaha weird pero gusto ko talaga," tumatawang sagot niya. Napaisip rin ako at napansin na maganda naman talaga ang plano niya na pangalan.
"Ewan ko sa'yo but if Therese likes it, why not go for it?" malaki ang ngiting udyok ko, tumatango niyang ininom ang kape.
"Oo naman! At sa pamangkin ko naman, dapat ako rin ang magpapangalan sa kaniya!" kinindatan niya ako bigla kaya bigla rin nawala ang magandang mood ko. "Oh ano 'yan? Hindi ako nagbibiro! Maganda kaya ako magpangalan!" I sighed and smirked.
"Sige nga, suggest ka nga ng pangalan." hamon ko, malapad siyang ngumisi at may kinuhang post-it note sa bag at ballpen.
Nagsimula siyang magsulat and when I tried to look what she's writing, agad niyang tinago. Gaga talaga. Hinayaan ko siya at inabala muna ang sarili sa pagtingin sa labas. Makulimlim ang kalangitan pero hindi naman ata uulan. Malungkot at tipid akong napangiti habang dinaramdam ang medyo may kalakihang tiyan ko. I bit my lower lip to stop myself to cry.
Walong buwan... it's been eight months since he left me but I knew that he will come back, siya mismo ang nagsabing babalikan niya ako. One month after he left me, nalaman kong apat na linggo akong buntis so here I am now, carrying his child. Alone.
If I calculate the months that I'm pregnant, it's turning eight months next week. I felt a little bit happy kasi hindi lang ako ang babalikan niya kundi pati na rin ang anak namin. I wonder if he know this thing but I bet, Tita Nikki is still searching for her son just to tell him na may iniwan siyang mag-ina.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomancePublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...