Three

2.7K 88 4
                                    

Chapter 03.

Marry.



"Ate! What are you planning to do again?! Ate naman! Listen to me! Nakauwi na si Ate Essena to do her assignments pero ikaw, you still want to go in the mall all alone!" kanina pa ako sinisigawan ng kapatid kong mabait habang naglalakad kami patungong mall.




"Hindi na ako nag- iisa, kasama naman kita ah?" sarkastikong tanong nang hindi siya nililingon.





"What?! Ate! We should go home now, Daddy will fire our driver if he knew you are like this! Just think the innocent driver here!" wala talagang hiya ang kapatid ko, marami nang mga taong tumitingin sa kaniya dahil na rin sa uniform ng school namin. Nakasuot naman na ako ng civillian attire kaya wala na akong problema.






"Huwag ka ngang sigaw nang sigaw 'dyan! Nakakahiya ka!" kinurot ko ang tagiliran niya.







Sa tenga ko sana siya kukurotin pero masyado siyang matangkad para gawin ko 'yon. "Saglit lang tayo, titingnan ko lang kung nareleased na bah ang paborito kong libro!" bulong ko.






"Ate! Papagalitan ako ni Daddy! Kailangan na tayong umuwi, Ate! Sa ayaw at sa gusto mo!" sabi niya at hinila ako, mabilis ko namang nahawi ang braso ko sa kaniya.







"Huwag ka ngang ate nang ate 'dyan! Hindi pa nga ako sigurado kung kapatid bah talaga kita o hindi! Kung gusto mong umuwi, umuwi ka na! Tawagan mo ang driver para sundoin ka!" napaawang ang bibig niya sa unang sinabi ko. Kinabahan ako nang makitang niyuko niya ang ulo niya at marahang pinunasan ang mata niya. Diyosko Vaeda! Anong ginawa mo sa kapatid mo?! Pinaiyak mo!




"O- okay... ingat ka sana," nanginginig ang boses na sambit niya saka ako tinalikuran. Hayyy nakoo!






Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang tinitingnan si Vaiden na naglalakad palayo sa akin. Patuloy pa rin siya sa pagpunas ng mga mata niya kahit nakatalikod siya. Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi ko pero hindi ko na 'yon pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad papuntang mall.





Pagkarating ko sa mall ay dumiretso agad ako bookstore na gusto ko. Isasama ko sana si Essena pero maraming assignment ang section nila, tapos ko naman nang tapusin ang sa akin.





Habang naglalakad sa department ng fiction books ay bigla kong naalala ang nangyari noong Lunes. Sa tingin ko ay hindi ko 'yon makakalimutan, natatakot na akong lumapit sa kaniya. Alam kong hindi siya pangkaraniwang lalaki, may tinatago siya na ayaw niyang ipaalam kahit kanino. Eh ano naman ngayon?





Natigil ako sa pag- iisip nang makita ang lalaking kakaisip ko palang. Abala siya sa pagpili ng mga libro na malapit sa akin kaya ramdam kong hindi niya ako napansin.







Kung titingnan siya. Gwapo, Matangkad, medyo maputi ang balat at mamula- mula pa ang labi, matangos ang ilong at medyo matured na ang katawan. Ilang taon na nga bah siya? Nakalimutan ko na pero alam kong maraming taon ang agwat niya sa akin. 'Di ko mapigilan purihin ang maganda niyang malaking kamay na gamit niya sa pagtitingin sa libro.






"Hoy Kuya! Tagal mo 'dyan ah?" ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang mahagilap ko si Kathlyn na may dalang basket at ang laman 'nun ay libro rin.








"I'm still choosing, Danity." sagot nung Kuya niya, napasimangot si Kathlyn.








"Choosing, choosing! Napakachoosy mo sa libro eh puro naman p*rnography binabasa mo! Bibliya kaya basahin mo?" nagulat ako sa pagiging bulgar ni Kathlyn sa Kuya niya. Ang bibig niya talaga! Walang preno!






You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon