Ten

1.7K 46 9
                                    

Chapter 10.

Aasahan.






"Bakit? Bakit niyo tinago sa'kin ang katotohanan na miyembro kayo ng Mafia?" maingat na tanong ko sa kaniya. Nakaupo na siya sa harapan ko, kumakain pa rin ng cup noodles. Ikaapat niya na 'yan, paborito niya na?









"I was ready to tell you when you met me, remember when I first kissed you?" uminit ang pisngi ko sa tanong niya at hindi nakasagot. "But your father told me not to tell you kasi siya ang gustong magsabi sa'yo," pagsasabi niya ng totoo. Napanguso ako at tiningnan siya sa mata.







"H- hindi ko pa rin naiintindihan eh... masyado pang magulo ang utak ko," tugon ko.









Kanina, sinabi ni Daddy na isa siyang Mafia lord at ibig sabihin nun ay mataas ang rango niya sa organisasyon na tinayo nila. Ito namang lalaki na kaharap ko ay soon to be Mafia Lord rin, medyo natatakot akong isipin na papakasalan ko ang isang tulad niya. Napapailing nalang ako sa naisip at hindi maiwasan na ang kapatid kong si Vaiden, kasali rin. Ang gulo... parang hindi ko na talaga maiintindihan lahat kapag pinagsama- sama ko.








"You don't have to understand it, you're still in shock. All we have to do now is too cool yourself out and be calm, understand?" tumango ako.











Napabuntong- hininga ako. "'Di bah papakasalan kita 'pag tumuntong na ako sa edad na 24? Ano na ang mangyayari sa'kin kung ganoon?" seryuso niya akong tiningnan.










"I don't think may kasal na magaganap sa ating dalawa," prenteng sabi niya. "You don't like me and I don't like you so if you're asking my opinion, ayokong pakasalan kita." parang may tumusok sa puso kong mga karayom sa sinabi niya.










Oo nga naman... gusto niya 'yung mga mature na babae. Kung titingnan ko ang sarili ko, minsan lang gumagana ang mature na sarili ko. Gusto niya naman ng may malalaking dibdib at malalaking puwet pero sa ngayon, hindi pa lumalabas. Hindi naman niya ako papakasalan at ganoon rin ang gagawin ko.







Bakit pa ako nagtatrying- hard?










"Oo nga..." 'yon lang naisaad ko, ubos niya na ang pang- apat na cup noodles dahil nilapag niya na ito sa table. "Huwag ka na ngang gumawa nang isa kung ayaw mong magka- UTI." banta ko.









"I know, you don't have to remind me but... this noodles tastes delicious." nguso niya.











"Mas masarap ang japanese cup noodles," suggest ko. "Kahit hindi pa ako nakakain nun, alam kong masarap 'yon." dagdag ko saka tumayo para uminom ng tubig. Katabi ko na siya ngayon.









"Hmmm I guess I kinda like that, pupunta naman ako ng Japan kapag nakagraduate na ako. Want to come with me?" natahimik ako.









"Kung gusto mo... hahaha, anong year ka na bah sa college?" hinarap ko siya habang may hawak na baso.










Ngumisi siya. "Third year na," kung hindi ko lang nainom ang tubiy ay baka maduraan ko siya. Napapakurap- kurap akong tiningnan siya, tumawa lang siya sa reakyon ko. "I skipped daycare and kindergarten, when I was 4 years old, grade 1 kaagad ako."









"Talaga?! Pwede bah 'yon?! Ako kasi 6 years old, grade 1 pa ako! Ang talino mo siguro!" mahina siyang natawa.








"Hmmm hindi ko alam? Baka nga, Viornoles are known to be one of the smartest clan in this country, nangunguna kami sa inyo hahaha." tamad ko siyang tiningnan.











You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon