Fourteen

1.1K 34 2
                                    

Chapter 14.

Tutulong.









Gulat na gulat ako sa biglaang pagkatumba niya.









"Tulong! Ate Jeannete! Tulong!" paulit- ulit ko iyong isinigaw hanggang may mga gaurds na dumating kasama si Essena at Ate Jeannete, natataranta ko silang tiningnan.









"Anong nangyari kay sir Kyle, Yza?" nag- aalalang tanong ni Essena.











"Dali! Tulungan niyo akong ilagay siya sa kama! Nilalagnat siya!" tiningnan ko ang mga gaurds at tumango silang lahat, bale dalawa silang nandito at dahil malalaki ang kanilang mga katawan, walang hirap nilang nilagay si Kailean sa kama ko.







"Kukuha lang kami ng bimpo at magluluto rin ako ng sopas, bantayan mo muna siya Yza ha?" tumango ako sa utos ni Ate Jeannete at lumabas na siya.








Napatingin ako kay Essena na nakatingin na rin sa akin ngayon.  "Sasamahan ko si Ate Jeannete, Yza. Mas mainam na hubarin mo ang polo at sando niya at ibaba ang temperature ng airconn, kumotan mo rin siya. 'Dyan ka na muna." napanganga ako sa sinabi ni Essena at nung nakalabas na siya ay napatitig ako sa namumulang mukha ni Kailean.









"Hmmm..." ngumiwi pa ang mukha niya at pilit ba iminulat ang mata niya.











"Ahh! H- hubarin mo muna ang polo at sando mo... h- hindi ko kasi kayang hubarin ang damit na s- suot mo..." utal na saad ko. "Ibababa ko na ang temperature ng aircon at isasarado ang bintana." dagdag ko at dahan- dahan siyang tumango.









Para pabagalin ang oras ay binagalan ko ang kilos ko. Kinuha ko ang remote ng airconditioner at binaba nga ang temperature gaya ng sabi ni Essena. Nagtungo ako sa bintana at ginamit ang kurtina para padilimin ang buong kwarto ko.









Ayaw ko na sanang lilingon sa kaniya pero huli na ang lahat! Nakaharap ako sa kama ko at nakita si Kailean na hinuhubad na ang sando niya at dahil masama nga ang pakiramdam niya, para siyang pagong na nahihirapan sa paglakad. Nakaramdam ako ng awa kaya agad ko siyang nilapitan.







Dahil sa katangahan ko, muntik na akong madapa. Napahiyaw ako sa gulat at pasalamat naman, nasalo ako ng kama ko pero akala ko ayos na ang lahat! 










"Shit... y- you're touching me," rinig kong daing ni Kailean, nanlalaki ang mga matang tiningnan siya at nakita ko ang isang kamay kong nakahawak sa dibdib niya! Diyosko! Tuluyan na pala niyang nahubad ang sando niya! Napakalaki mong tanga, Vaeda! Diyosko! Hindi ka talaga nag- iisip! Mabilis pa sa unggoy ang pag- atras ko at dahil nga tanga ako! Matutumba na sana ako pero naunahan akong hawakan ni Kailean ang kamay ko.








"B- bitiwan mo nga ako..." mahinang sambit ko. Pinikit ko ang sariling mga mata nang tumambad sa paningin ko ang matipunong katawan ni Kailean...









"Stupid, childish and careless at the same time... what are you t- thinking?" paos ang boses na tanong niya, ngumuso ako at mas mariin na pinikit ang mga mata. Isip Vaeda! Mag- isip kang babae ka!







"P- pwede bah? Bitiwan mo na ako, wala naman akong iniisip... tutulungan lang sana kitang hubarin ang sando mo pero huli na pala..." pagsasabi ko ng totoo.







Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya pero ramdam kong nakangisi na siya ngayon, nanghihina nga lang. "Hmmm is that so?" 'yon lang at pinakawalan na ang kamay ko.








You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon