Chapter 16.
Ang Gulo.
Ang simoy ng hangin ang gumagawa ng ingay sa pagitan naming dalawa, minsan ay napapasulyap pa ako sa kaniya pero siya ay, masyado talaga niyang dinamdam ang pagre- relax dito sa harap ng pool. Pikit pa nga ang mga mata, halatang tulog na.
Napabuntong- hininga ako sa pag- iiwas niya sa usapan namin kanina. Halos isang oras na kaming nakaupo dito lounger at kapag namamanhid na ang likod o puwet ko, umiiba ako ng posisyon.
'Di ko naman mapigilan ang sarili kong mapatitig saglit sa maamong mukha ni Kailean. Sobrang gwapo! Ano bah, Vaeda?! Umayos ka nga!
Maputi siya at medyo may pagka- moreno, mapula pa ang labi at ang makapal na kilay at pilik- mata niya ang nagpapadagdag sa kagwapohan ng mukha niya. May ganito rin palang kagwapong lalaki sa mundo pero si Adrien talaga eh!
Manonood nalang ako mamaya sa laptop ni Vaiden.
"You're staring at me, can you please stop it?" napaigtad ako sa biglaang pagsasalita niya.
"Hindi naman ah? Paano mo malalaman eh nakapikit nga ang mata mo." depensa ko kaagad, minulat niya naman ang isang mata niya at ginamit 'yon para titigan ako.
"All of us can feel if someone is staring at us," napakaseryuso na ng boses niya kaya iniwas ko ang tingin ko at piniling tumahimik nalang. "But anyways..." bumangon siya sa pagkakasandal ay ininat ang dalawang kamay niya sa itaas.
"Ano na naman?" tanong ko.
"You mentioned about your Dad earlier, you talked about something?" umawang ang bibig ko at agad na umiling para tumango. "What is it?" interesanteng tanong niya.
"Sinabi mong ayaw mo munang magsalita... kaya huwag nalang--"
"Look, kanina ko lang 'yon sinabi at iba na ngayon. I already felt relaxed so tell me, ano ang pinag- usapan ninyo?" pikit ang mata kong huminga nang malalim.
"Baka mawala ang relax mo 'pag sinabi ko na," tamad na saad ko. Napakunot ang noo niya at marahang natawa, ngumisi siya pagkatapos.
Tumikhim siya. "So you did talked to him about our engagement soon on your 18th birthday?" dahan- dahan akong tumango. "Hmmm that's why your Dad was very serious when I greet him earlier." natigilan ako.
"T- talaga? Seryuso si Daddy ngayon?" nagkibit- balikat siya.
"I don't know if he's still serious now but yeah, takot pa naman ako kapag nagiging seryuso si Tito Vandrick." umakto pa siya na takot na takot pa talaga, napanguso ako sa sinabi niya. Minsan ko na rin kasing nadatnan si Daddy na seryuso kaya buti nalang at lumabas na ako kanina!
Mas lalo akong napanguso nang nakakaasar niya akong tiningnan. "Kasalanan mo 'to eh!" nagulat siya sa biglaang paninisi ko.
"Why is it my fault?" puno ng pagtatakang tanong niya, nagsalubong ang dalawang kilay ko at umirap.
"Kung hindi mo palang sana iniisip ang engagement natin ngayon... sana hindi ko rin iniisip 'yon gaya mo. Masyado ka kasing atat na pigilan ang kasal na hindi natin gusto! Oo, gusto kong tumulong pero ang hirap lang kasi maaga pa," habang sinasabi 'yon ay kasabay naman ng paghina mg boses ko.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomantikPublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...