Eight

1.9K 50 4
                                    

Chapter 08.

Pagdududa.






Nakasakay ako sa kotse ni Kailean ngayon at dahil umiiyak pa rin ako, hindi niya pa pinapaandar ang makina ng kotse. Panay ang panginginig ng kamay at balikat ko dahil sa takot at pag- iyak, 'di ko kasi mapigilan.









"Fvck... please tumahimik ka na, tahan na. Umalis na sila," ayos lang naman ang pagpapatahan niya, bakit pa siya nagmura?!








Umiling ako. "H- hindi... babalik sila para kunin ako..." humihikbing tugon ko, marahas siyang napabuntong- hininga at akma na sanang tatapikin ang balikat ko pero iniwas ko ang sarili sa kamay niya. "H- huwag mo 'kong hawakan, iwan mo nalang ako-"








"Are you listening to yourself?!" nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. "I promised to your Dad that I will protect you! Hindi kita kayang iwan! Puta! Just don't cry... poprotektahan kita, no matter what happens..." bigo niyang sabi.








Natahimik ako at wala nang masabi pero nang tumahimik ako ay ang kagustohan naman ng utak kong magsalita.






Tahimik niyang pinaandar ang kotse at nagsimulang magmaneho sa main road, sinulyapan ko siya. Magkasalubong ang dalawang kilay pero malamig ang mga matang nakatitig sa kalsada.








"Alam mo kung bakit ako nagkakaganito kapag naririnig ko ang putok ng isang baril..." 'di ko alam kung ano ang ipinupunto ko pero ito ang gusto kong ipahayag sa kaniya. "Naalala ko kung paano binaril ang Mama ko sa ulo... nandoon ka rin noong araw na 'yon hindi bah?" nilingon ko siya.





"I wasn't there at tauhan lang ng Daddy mo ang nandoon," sagot niya.








"P- pero paano mo ako nasundan 'nun?" nagtatakang tanong ko, nakita ko kung paano niya ako inirapan.









"Do you think I am so stupid that I can't find you that time?" nakaramdam ako ng hiya kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. "I know you're curious kung bakit nangyayari 'to sa'yo but this isn't the right time for you to know the truth." umawang ang bibig ko.






"A- anong katotohanan?" nag- smirk lang siya at hindi na ako pinagtuonan ng pansin.









"Just try to shut your mouth up, please?" tumahimik na nga ako hanggang sa maabutan kami ng traffic sa malaking kalsada. Medyo ayos lang dahil may aircon sa loob pero hindi ko pa rin maiwasan patahimikin ang sariling utak ko. Si Kathlyn... marunong siyang humawak ng baril, paano nangyari 'yon?







Huminga ako nang malalim at nilingon siya, masyadong tahimik at nakakailang ang katahimikan na bumabalot sa amin.










"Si Kathlyn, saan galing ang baril na hawak niya kanina?" 'di niya ako binigyan ng sagot. "Marunong siyang humawak ng baril, paano? Nagtraining siya?" tamad niya akong tiningnan kaya natuop ko ang sariling bibig.






"All of us in our family trained how to hold a gun and how to pull the trigger calmly and oh? Including your brother at susunod ka sa kaniya kapag handa ka na," kumurap ako.






"Ano?" wala sa sariling naitanong ko.









Bumuntong- hininga siya. "You really are so annoying, just wait your father to tell you the truth okay? Alam kong sasabihin niya rin sa'yo sa tamang oras at panahon," umusog na ang kotse niya dahil ayos na ang kalagayan ng traffic. Wala akong nagawa kundi ang tumango at isandal ang sarili sa upuan.







You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon