Eleven

1.6K 48 12
                                    

Chapter 11.

Traydor.





"Tulala na naman si Yza, hayy nakoo." bumalik ako sa realidad nang marinig ang dismayadong boses ni Kathlyn. Napakurap- kurap ako at tiningnan silang lahat na nakatitig na pala sa akin.










Nagtataka akong tiningnan ni Jymar, Lyle, Adriel, Leymar at Talaine. Tinaasan pa ako ng kilay ni Kathlyn at nginiwian. Diyosko... ilang minuto na akong tulala? Bakit nila ako tinitingnan nang ganiyan? Kinakabahan man ay wirdo ko silang nginitian. Tumawa naman si Jymar kaya muntik na akong mapatalon sa gulat.








"May iniisip ka bah, Yza? Grabee! Para kang tangang nakatulala sa kisame, ano bah 'yang iniisip mo?" tumatawang tanong niya.










"H- huh? Ehh... wala..." sagot ko kaagad.









"Anong wala?" sabat ni Talaine. "Nakatulala ka sa kawalan, ayos ka lang? Kung wala kang iniisip, ano naman ang ginagawa mo? Binibilang ang mga butiki sa kisame?" natawa si Kathlyn sa sarkastikong tanong ni Talaine, nakaramdam ako ng hiya.







Mariin kong pinikit ang dalawang mata ko saka bumuntong- hininga. "Wala nga, masyado lang talagang marami ang mga projects natin kaya inalala ko lahat... pasensiya na," pagpapalusot ko.










"Bakit ka naman nagpapasensiya?" tanong naman ni Adriel, masama ko siyang tiningnan.








"Ano naman ang pakialam mo? Huh?" mataray na tanong ko, tinawanan siya ni Lyle saka tinapik ang balikat niya. "Pwede bah, bumalik na nga kayo sa mga chairs ninyo." pagtataboy ko.









"Woahhh ayos lang 'yan, bro. Palagi ka namang ginaganiyan ni Yza ah? Bigyan kita ng hug, gusto mo?" asar ni Lyle kay Adriel. Tinampal naman siya ng kaibigan niya at ngumuso.









"Grabe ka naman, Yza. Nag- aalala lang naman kami sa'yo." si Jymar na naman ulit.








'Di ko na napigilan ang sariling mapairap sa hangin. "Ayos nga lang ako, huwag na kayong mag- alala. At ikaw Adriel," bumaling ako sa ulupong na nakikipagsuntokan na kay Lyle kahit nakaupo. Isip- bata. "Hoy Adriel!" sinigawan ko na siya.









"Oh?! Ano 'yon?" gulat na tanong niya.










"Ano 'yung chinat mo kagabi sa'kin? Nagpapagawa ka ng project?" taas ang isang kilay na tanong ko, natuop siya sa kinauupuan niya. "Sagutin mo nga ako!" sigaw ko na, napaiwas naman siya ng tingin.









"Eh kasi... nakalimutan kong may idinagdag palang project kaya--"











"Kay nagpapagawa ka na sa'kin? Asungot ka talaga! Hindi ako magbibigay ng pagkain sa'yo mamayang hapon! Humanda ka!" banta ko, nataranta naman siya at napatayo na sa kaba. Bahala ka sa buhay mong lalaki ka!







"Yza naman! Hindi mo naman tinuloy 'di bah? Kaya bigyan mo pa ako ng pagkain!" pagtatanggol niya sa sarili.










Tumawa silang lahat maliban sa akin ni Kathlyn at kay Adriel. Para na nga siyang iiyak dahil matalim ko siyang tiningnan, takot na takot na 'di ko siya bibigyan ng snacks mamaya. Nakakatawa na nakakalungkot, diyosko.








"Nye Nye Nye! Bahala ka! Teka anong oras na bah? Hindi pa bah dumating ang sunod na teacher?" pag- iiba ko.










You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon