Chapter 45.
Infront.
"Oh Kuya! Nakauwi ka na pala? Akala ko bah sa susunod na linggo pa ang uwi mo galing Spain?" my eyes widened when I heard what Kathlyn said. Para akong matutumba habang hila-hila ang sariling bagahe.
Napansin ata ni Kathlyn ang pamumutla ko kaya natatawa siyang nilapitan ako at siya na ang naglagay sa bagahe sa magiging kwarto ko. Rinig na rinig ko kung gaano kalalim ang paghinga ko ngayon habang titig na titig kay Kailean na parang wala lang sa pagdating ko. I got conscious the way he stared at me, parang binabasa ang bawat galaw at reaksyon ko.
"Handa na ang kwarto mo, Yza! Baka gusto mo nang matulog?" napatalon ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Kathlyn. "Uuwi naman si Kuya mamaya kaya huwag kang mag-alala." ngiti niya.
"I am sleeping here. Damien didn't pick me up in the airport, busy sa paghahanda ng kasal nila." tamad na saad niya na mas lalong ikinaba ko.
"Eh saan ka matutulog ngayon kung ganoon?" mataray na tanong ni Lyn at napameywang na, nanindig halos lahat ng balahibo ko sa katawan nang makitang nakatitig na naman sa'kin si Kailean ngayon. "Naku! Huwag sa kwarto ni Yza, Kuya! May boyfriend na 'yan!" mariin kong pinikit ang mga mata ko. Pahamak talaga 'tong babaeng ito kahit kailan!
"I didn't say anything na sa kwarto niya ako matutulog, I can sleep here." tamad na pagkakasabi niya at humiga na. Pinili ko nalang na magtitingin-tingin sa paligid at napansin ko roon ang black mask at puting sombrero.
Siya bah 'yung nabunggo ko kahapon sa airport?! Oh my gosh! He can't be!
"Okay! Kung 'yan ang sabi mo, matulog ka na Yza! Matutulog na rin muna ako," binangga ni Kathlyn ang puwet niya sa puwetan ko kaya muntik na ako mawalan ng balanse. "Welcome back sa inyong dalawa!" kinindatan niya pa kaming ng kapatid niya saka asar na pumasok sa kwarto niya.
At tumahimik ang buong mundo.
Tahimik akong naglakad patungo sa kwarto ko at akala ko ay may maririnig akong salita galing sa kaniya bago ako makapasok pero masyado na ata akong tanga para umasa dahil no'ng lumingon ako ay hindi man lang nagbago ang posisyon niya sa pagkakahiga. Napanguso ako at tuluyan nalang na pumasok at inayos ang mga damit sa medyo may kalakihan na cabinet.
I sighed and just thanked God that I have a safe flight going home here. Pero ang tanong ko...
Saan siya noong sumakay ako ng eroplano? Dapat nakita ko siya sa VIP seats kung kasabay ko siya 'di bah? Pero saan nga siya?
Parang sumakit ata ang ulo ko sa kakaisip kaya hinubad ko lahat ng damit ko at nagtungo sa bathroom na nasa loob lang ng kwarto. Habang naliligo ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang mukha ni Kailean kanina. Kahit nakaupo...
Ang tangkad niya pa rin tingnan at parang tumangkad pa ata. Ang medyo 'di maputi-puti na balat niya noon ay mas lalong pumuti ngayon, humaba rin ang buhok niya. Napanguso ako at napadpad tuloy ang isipan ko sa ibang bagay na bastos! I admit that I missed his touch and the way he caressed my body--
"Stop this thought, Vaeda! Magtino ka rito kung gusto mo magkapera ng marami!" marahan kong iniuntog ang sarili sa pader na semento ng banyo.
Mga minuto lang ang inilaan ko sa pagligo at pagkalabas ko ay sinuot ko kaagad ang pajamas na hinanda ko. Gumamit rin ako hair dryer para patuyoin ang buhok ko. Nang matuyo-tuyo na ay humiga na ako sa kama at biglang nag-ring ang phone ko.
"Akala ko bah tulog ka na?" nagtatatakang bungad ko sa gaga na ngayon ay tumatawa na.
"Bakit pakiramdam ko, affected ka sa presence ni Kuya Kailean?" tukso niya, marahas akong humingos at nang marinig niya 'yon ay mas lalo siyang natuwa at natawa.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomancePublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...