Chapter 41.
Deserved.
"Stay right at my back," seryusong saad ni Ate Zella sa akin. I nodded my head and followed her orders, si Kailean naman ay doon sa kabila pumosisyon kasama si Kuya Mon na kanina pa nilalaro ang matulis na kutsilyo.
Napatingin ako kay Kuya Cohen na nangunguna sa amin katabi si Felix, pinagitnaan kami ng mga tauhan namin na may tig-iisang hawak ng patalim o baril. Hindi ako kinakabahan dahil dito, kundi sa mangyayari kay Vaiden na alam kong umiiyak na ngayon dahil gustong sumama sa amin.
Daddy is already here, kahapon lang siya dumating at agad ko siyang pinaulanan ng mga tanong kung totoo bah ang mga pinagsasabi ni Kuya Cohen tungkol kay Kailean. Of course, he said yes dahil makakabuti para sa akin ang pagiging konektado ko sa mga Viornole. I got disappointed pero ayos na rin, mahal namin ang isa't-isa at hindi namin ito ginagawa dahil napipilitan lang kami.
I also asked him about Mommy, wala akong nakuhang sagot pero may lead na kung saan siya ngayon. She's here in the Philippines! Pinaghahanap pa lang siya ngayon... Sana mahanap na talaga si Mommy, gustong-gusto ko na rin siya makilala kung maalala ko pa siya...
Umayos ako ng lakad nang makitang naalerto si Felix sa unahan. I know him, sumesenyas na siyang maging mas alerto kami sa mangyayari. Huminga ako nang malalim at napahawak sa earpiece na nasa kanang tenga ko, nagsasalita si Kathlyn.
"May tatlong nag- aabang sa daanan, halatang preparado sa pagdating ninyo. Ingat kayo," tipid niyang sabi.
Nagsitangohan ang mga kasama ko maliban kay Felix na hindi naintindihan ang sinabi ni Lyn. Wala akong oras para tumawa kaya nag-focus ako sa harap. Wala akong dalang patalim pero may nakatago akong baril sa hita ko na ako lang ang nakakaalam.
Ayaw nilang magdala ako ng baril o patalim, sa takot na baka makapatay ako sabi ni Daddy. Hindi kami papatay kundi mangbubugbog lang, gaya sa plano ni Ate Zella at Ate Felicy.
Oo, nandito siya pero hindi siya namamansin sa amin sa 'di ko alam ang dahilan. Sinulyapan ko si Kailean na halata namang nakatitig rin sa akin ngayon. Nginitian ko siya para sabihin na ayos lang ako at huwag na siyang mag-alala. Tumigil kami sa paglalakad dahil sa pagtigil ni Kuya Cohen at Felix sa paglalakad sa harap, sumusugod na ang mga kalaban.
"May nakatago sa gilid! Maging alerto kayo!" my eyes widened when I saw some enemies hiding in the side holding a gun! Pumosisyon ako sa biglaang paglabas nung isa dahil ako kaagad ang pinunterya.
"Tangina!" asik ko nang tutukan niya ako ng baril sa ulo pero sa bagal ng kilos niya ay nasipa ko ang kamay niya dahilan para matapon niya ang baril na hawak. Walang-pasabi kong sinipa ang pagmumukha niya at pinaulanan ng suntok sa mukha.
Naramdaman ko na rin ang pagkilos ng iba, sumusugod na talaga ang kalaban. I even heard some gunshots on my side at mga tauhan namin ang gumagamit ng baril. Marahas akong napalingin kung nasaan si Kuya Mon ngayon nang marinig ang pagdaing ng kalaban niya. Si Kailean naman ay swabe lang na nakikipagsuntokan sa kaniya.
Hindi pa nga kami nakakadalawang minuto ay napatumba na ang lahat ng kalaban namin. Gaya kanina ay naging kalmado na naman kaming naglakad papasok sa malaking bulwagan na naghihintay sa aming lahat. 'Di ko maiwasang mainis na sa tagong lugar kami pinapunta na sila lang ang mga tao. Sinasabi lang nila na mga duwag sila, mga tangina.
Ate Zella said that it's just like house na may malaking bilog sa gitna na buhangin ang lupa. Doon ata ang totoong labanan na magaganap dahil ang bagong boss nila ay naghihintay na roon.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomantizmPublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...