Twenty- Eight

1K 22 0
                                    

Chapter 28.

Huwag.

"Ayoown! Merry Christmas sa inyong lahat!" bati ni Adriel sa amin habang nakaupo kaming lahat sa upuan habang siya ay nagmamayabang na nakaupo sa lamesa. Pabida rin 'tong lalaking 'to.

"Umupo ka nga ng maayos tanga! Sinisira mo 'yong design nila Alexes sa table, mahiya ka naman Diyosko!" anas ko, natawa naman sila Lyle at Jymar na abala na sa pag- inom ng drinks nila. Inirapan ko si Adriel nang nginusohan niya ako. 'Di mo 'ko madadala sa paganiyan- ganiyan mo ugok.

Sinunod nga niya ang sinabi ko. "Pasalamat ka Yza! Napakaganda mo ngayon sa suot mo dahil kung hindi, aawayin talaga kita." tinaasan ko siya ng kilay.

"Salamat sa compliment pero hindi ako pumapatol sa hayop, baka pagbintangan pa akong animal abuse." pambabara ko.

"Ohhhhhh!!!" si Jymar, Lyle at Leymar. Sabay pa talaga nilang inugong 'yon dahilan kung bakit napapatingin na ang ibang kaklase naming abala sa pagkain sa kanilang table. Tinawanan ko nalang sila habang si Adriel ay nakaawang na ang bibig.

Hindi pa naman nagsisimula ang sariling program namin sa classroom at may hinihintay pa kaming ibang kaklase. Kasama doon si Kathlyn na kanina ko pa hinihintay, ang dami ngang excited sa pagdating niya lalo na ang sinusuot niya. Last year's christmas kasi, grabe kasimple pero ubod ng ganda ang sinuot niya at napilitan pa ang adviser namin na bigyan siya ng award na 'best outfit'.

"Oy... Yza, Kathlyn is still not here pa?" tanong ni Alexes sa'kin, tinanguan ko siya. "She texted me last night na aagahan niya ang pagdating but where is she now?" medyo nakaramdam na ako na may mali sa mga nangyayari.

"Nakooo Alexes, huwag ka nang mag- alala. May pa- thrill lang na ginagawa si Kathlyn kaya natagalan ang babaeng 'yon! Upo ka rito habang hinihintay natin siya." nginitian niya ako at umupo nga sa tabi ko. Asan na bah kasi ang babaeng 'yon? Masyado na siyang matagal ah? Nag- aalala na ang kaibigan niya.

"I just noticed Yza na palagi na kayong magkasamang umuwi ni Kathlyn at ng Kuya niya... uhmmm sorry if I will ask this. Boyfriend mo bah si sir Liam?" muntikan ko nang masamid ang iniinom kong softdrinks sa biglaang pagtanong sa'kin ni Alexes.

Nanlalaki ang matang tiningnan siya. "Ahhh iyon?! Wala lang 'yon! Ano ka bah Alexes! Magkalapit lang talaga ang family namin kaya sabay- sabay na kaming umuuwi palagi. You know? Tipid lang ng gas?" okay Vaeda, ayos rin ang palusot mo 'noh? Para kang timang. Nakita ko kung paano tinagilid ni Alexes ang ulo niya at marahang natawa.

"Yeah yeah that makes sense anyways hahaha but by the way!" hooo... buti naman at iniba niya na kaagad ang topic. Mawawala ako sa sarili kapag ipagpapatuloy niya!

"Ano 'yon?" interesanteng tanong ko.

"Me and Kathlyn are planning to go to the mall later after our party, I can see kasi na boring kung kami lang dalawa so I would like to invite you to join us. What do you say?" mukhang masaya rin 'yon, malapad akong ngumiti sa kaniya kaya alam niya na ang sagot.

"Sure! Sige bah! Gagala lang tayo? Gusto ko kasi isama si Vaiden at Essena," napaawang ang bibig niya ay tumatango- tango.

"That's nice! We will just watch a movie, maraming romance movies ang released ngayon so perfect timing na marami tayo!" pumalakpak pa siya kaya natawa ako. Akma pa sana akong magsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng classroom at sa gulat naming lahat ay iniluwal nito ang nag- iisang Kathlyn Danity Viornole! Diyosko! Siya bah 'tong nakikita ko ngayon?!

She's wearing a red fitted sleeveless dress at ginamit niyang cover ang denim jacket. Buti nalang at may 1 inch na malayo sa tuhod ang laylayan ng damit niya kaya hindi masyadong malaswa tingnan! Ang ganda ni Kathlyn ngayon! Parang hindi si Kathlyn na nakikita ko palagi kapag school days. Napansin kong may mga dala siyang mga maliliit na christmas bags at one more thing! Nakasuot siya ng shades! Dinumog siya ng classmates namin para batiin, parang artista lang?

You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon