Six

2K 58 17
                                    

Chapter 06.

Swimming.






Alam kong may naghihintay sa labas ng pintoan ng kwarto ko lalo na at hindi pa ko nakakakain ng tanghalian. Nakaupo lang ako sa sofa ko habang hawak ang sketchbook, 'di ako makapag- isip ng ido- drawing dahil nga gutom ako.








It's already 1:15 in the afternoon.










Napahinga nalang ako nang malalim at napagdesisyonang tumigil nalang sa pag- iisip. Para akong tangang napatalon sa lakas ng katok ng pinto.









"Yza! Kain ka na oh! Usap naman tayo please! Hindi ko sinasadyang paiyakin ka kanina!" si Essena. Para akong nabunotan ng tinik nang marinig ang boses niya at napasimangot na rin dahil ang O.A. ng pagkakasigaw niya.








Pumunta ako sa pinto at pinagbuksan. Bumungad sa akin si Essena na may dalang tray na puno ng pagkain. Agad naman siyang pumasok na may nag- aalalang mukha. Nilapag niya ang tray sa table at hinawakan ang balikat ko.










"Oyy... ano bah kasing problema? Umiyak ka kanina ah? Bakit? May nagawa bah ako?" para na siyang maiiyak.










Tamad ko siyang tiningnan."Ang O.A. mo. Hindi naman ikaw ang nagpaiyak sa akin kundi ang gunggong na manong Kyle na 'yon." sagot ko sa kaniya, nanlaki ang mga mata niya.









"Huh?! Bakit?! Anong ginawa niya sa'yo nang hindi pa ako pumasok sa kusina? Ha? Ano?" umiwas ako ng tingin.











Alangan namang sasabihin kong hinalikan ako ng lalaking 'yon, baka magpa- fiesta pa si Essena kapag nagkataon na malaman niya. So ano ang i- excuse ko? Sinuntok ako? Hindi... masyadong exaggerated. Ahh! Dapat convincing... Hmmm... Alam ko na!











"Ano... S- sinabihan niya ako ng mataba at panget," alam kong may naririnig na akong alitaptap sa magkabilang tenga ko, tinatawanan ang sinabi ko.









"A- ano?!" nagulat ako sa sigaw ni Essena. "Hayy nako Yza! Ilang beses ka nang sinabihan ng kapatid mo ng mataba at panget, mas worst ay sinabihan ka niya na isa kang kalabaw! Gaga ka bah?! Baka nagulat rin si sir Kyle sa biglaang pagtakbo mo!"









Teka, saan bah siya concern? Sa akin o sa lalaking 'yon?








"Kaibigan bah talaga kita? Saan ka bang panig ha? Puntahan mo na nga ang ulupong na 'yon! Kairita!" sigaw ko.








"Kung magsisinungaling ka lang naman kasi, dapat mapaniwala mo ako.  Hindi ka talaga marunong magsinungaling eh," natigilan ako. Diyosko! Muntik ko nang makalimutan na kilala ako ni Essena! Bakit napakatanga ko?!









Ano nang idadahilan ko na ngayon?! Mahabaging langit! Tulong!











"E- Essena--"








"Hinalikan ka niya 'noh?" mas lalo akong natigilan at pinanlakihan siya ng mata, 'di ako nakasagot kaya tumili siya. "Totoo?! Hinalikan ka niya?! Humalik ka bah pabalik?"











Iniwas ko ang tingin ko at pinakiramdaman ang pamumula ng pisngi ko. "Ano..." pinikit ko ang mga mata at humingos.










"Wahhh! Yza! Buti nalang at hindi ako nakaabot dahil kapag nangyari 'yon! Mapuputol ang moment ninyo! Wahhhh! Anong na- feel mo nung halikan ka niya?!"








You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon