Thirty- Nine

1.1K 27 1
                                    

Chapter 39.

Pendant.


"Pwede niyo bang itali ang tuko na 'yan?! Kanina pa siya ah?! Nakakadisturbo! I can't focus on what I am doing!" kanina pa panay ng reklamo si Kathlyn kay Felix na nananahimik lang sa harap niya.



"What is she talking about, Yzabelle?" bulong sa'kin ni Felix. "She is so loud and noisy and kept speaking Filipino language that I don't understand..." inosente niyang dagdag. May hawak na siyang tela na may ice cubes para sa namamaga niyang pisngi. Wala akong gana asarin siya kaya nginitian ko siya ng matamis.



"She said that you are hot and handsome," I whispered back at him and his reaction makes me want to laugh 'til death.




"Really? Why did she punch me so hard then?" takang tanong niya, napabuntong- hininga ako at wala sa sariling napangiti ulit pero peke na 'yon. Naramdaman ko ang paghawak ni Kailean sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.



"That's her sign of greetings, don't worry, Felix. She likes you," pagsisinungaling ko at ang gagong si Felix nagpauto sa mga sinabi ko. Pinagtuonan ko nalang ng pansin si Kailean na seryuso na.



Kasalukuyan kaming nakikinig sa plano ni Kathlyn na gaya ng kapatid niya ay napakaseryuso rin at parang walang pakialam sa mundo habang nag-iisip. Nasa pang-isahang sofa siya habang kaming tatlo ay nasa malaking sofa na pinagitnaan ako ng dalawang lalaki. 'Di pa rin ako makapaniwala na may koneksyon pa rin si Daddy sa mga Viornole.



Ako lang naman 'yung nagbulakbol noon... bakit nila isasali si Daddy sa galit nila sa'kin?



"Sa mga nakikita ko ay mas lalong lumalakas ang puwersa ng kalaban natin ngayon kaysa noon," panimula ni Lyn na nakatitig kay Felix. "Pero 'di hamak na mas malakas pa rin tayo kaysa kanila. Marami sila pero kakayanin natin," ngumisi siya at sumandal saka pinagkrus ang dalawang braso.



"As of now, we are still forming our men and trained them very well. This mission isn't a joke for us," nagulat ako nang biglang magsalita si Felix pagkatapos ni Lyn. "My master said that we have the big chance to win this war the enemy started, they kidnapped Yzabelle for a selfish reason and up until now, we are still finding my master's wife." dagdag niya, sarkastiko namang natawa si Kathlyn.



Tungkol kay Mommy, pinaghahanap pa rin siya hanggang ngayon. Nawalan ng trace si Daddy sa kaniya kaya nagsimula ulit siyang gumawa ng plano para mahanap na talaga. Minsan napapanaginipan ko siya at minsan ay si Mama Ashta naman...



Nakakatakot... nakakatakot na may hinala ako na buhay pa si Mama Ashta pero ang kinakatakot ko ay baka hindi na siya magdalawang-isip na patayin ako ngayon.


"All we have to do now is to prepare ourselves in the war that will happen next week," si Kailean.



"Pero paano si Vaiden? Nag-iisa lang siya sa mansion," saad ko.



Bago pa makapagsalita si Felix ay may kumatok na naman sa pinto at ganoon nalang ang gulat ko nang makitang si Vaiden 'yon na kalmado lang na pumasok, he is with! Kassandra who's now smiling widely at me!



"Oh my gosh--"


"Ate Yzabelle! I miss you!" sinalubong kaagad ako ng mahigpit na yakap ni Kassandra. "Akala ko ay pupunta ka sa graduation ko kanina, where were you by the way?" nagtatampong tanong niya. Wirdo naman akong ngumiti, halatang hindi niya alam ang nangyari bago ang graduation walk nila.


I smiled at her and hugged her back. "May pinuntahan lang ako, Kass... sana maintindihan mo," she nodded her head.


"Of course I understand you! Especially kahapon ka pa nakarating rito and wait? Why are we here by the way? And who is that american guy there?" binulong niya ang huling sinabi habang nakaturo kay Felix na nakangising-aso nang nakatitig kay Kathlyn. "Is he your boyfriend, Ate Yzabelle?"



You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon